Katrina Halili promises to have 21-inch waistline before “Miss X” starts filming

Excited na nga ang two-time FHM Sexiest Pinay Katrina Halili na masimulan na ang shooting niya para sa pelikulang Miss X.

Sa Amsterdam kukunan ang pelikulang unang ginampanan ni Vilma Santos noong 1980. Bago sumabak sa shooting ay marami nga raw preparation na gagawin si Katrina, kabilang na rito ay ang pagpapa-sexy nang husto dahil gaganap nga siya bilang sex worker sa Red Light District ng Amsterdam.

“Gusto ko nga ma-achieve ang 21-inch na waistline bago kami mag-shoot ng Miss X,” paniguro ni Katrina.

“Kakayanin ko naman kasi maliliit ang ribs ko. Magulat na lang kayo na 21-inches na lang ang waistline ko kapag nag-shoot na ako for Miss X!

“Siyempre, sa tulong din ni Dra. Vicki Belo, makukuha ko yung target na waistline. Disiplina lang naman at konting tiyaga. Ngayon kasi nasa 24 inches na ang waistline ko. Baka hindi na ako kumain talaga ng marami kapag sinabing magsu-shoot na kami for Miss X.”

Kabilang nga raw ang paglaro ng games sa Wii game console sa pagpapa-sexy ni Katrina.

“In fairness, napapawisan ako kapag naglalaro ako ng Wii,” tawa pa niya. “Favorite ko laruin yung mga sports like bowling at tennis. Gusto ko rin yung hoola-hoop. Sa totoong buhay, hindi ako marunong mag-hoola-hoop pero sa Wii magaling ako.

“Minsan kasi sa bahay na lang ako nagwu-workout. Hindi na ako lumalabas ng bahay para diretso akong magpahinga. Mas may concentration ako sa pagwo-workout kapag nasa bahay lang ako.”

By November na raw ang plano na pag-shoot ng Miss X sa Amsterdam. By that time naman daw ay tapos na ang one season run ng Magdusa Ka at patapos na rin ang pelikulang One Night Only na isa rin si Katrina sa bida under OctoArts Films and Direk Jose Javier Reyes.

Gusto rin sana ni Katrina na makakuwentuhan ang original na Miss X para makahingi ng ilang words of encouragement sa pagganap ng maselang role sa pelikula.

“Nakakahiya naman na abalahin ko si Gov. Vilma kasi alam ko na marami siyang ginagawa. Para namang ang kapal ng mukha ko na guluhin ko siya para lang makahingi ako ng acting tips, di ba?” sabay tawa ni Katrina.

Nakarating na kay Katrina na baka nga hindi na matuloy ang plano na mapasama ang Star for All Seasons sa remake ng Miss X.

“Understandable naman ‘yon kasi nga busy yung tao. Imagine, buong Batangas ang inaalala niya. Mahirap nga naman na magkaroon pa siya ng time na mag-shoot ng pelikula, di ba?

“Pero wish ko pa rin na sana ma-meet ko si Gov. Vilma ng personal. Para lang siguro na magpakilala ako at sabihin na malaking honor for me na ako ang magbibida sa remake ng isang pelikula niya. Sana nga magkatotoo, di ba?”

RUEL J. MENDOZA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: