Claudine at Angel, nagharap

Naganap na ang pag-uusap sa pagitan nina Claudine Barretto at Angel Locsin sa opisina ng Star Cinema noong July 23, 2008 na may kinalaman sa sinasabing hindi magandang pag-uusap ng dalawa noong July 4 sa isang salon sa Quezon City.

Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap sa pagitan ng dalawa sa harap ng ilang ABS-CBN executives at ng mga Kapamilya at malalapit na kaibigan, nilatag nina Claudine at Angel ang kani-kanilang mga panig at damdamin tungkol sa naganap.

At sa pag-uusap na ito, nabigyang-linaw ang mga sumusunod:

Walang sigawang nangyari, walang nanipa ng kahit anumang gamit. Walang nagtaas ng boses, walang sigawan. Naging seryoso ang pag-uusap at nagkaroon ng kaunting tensyon.

At dahil dito, napatunayang parehong walang kasalanan ang dalawa. Nagkaroon lang ng miscommunication at napalaki pa ng mga intriga bago at pagkatapos mangyari ang pagkikita sa parlor.

Pagkatapos ng pag-uusap ay natuwa ang mga kasama sa meeting dahil sa pagkakasundo ng dalawa at ang commitment na magsimula muli bilang magkapamilya.

“Ipinagdasal ko ito na maayos ang gusot na sa pagitan namin ni Angel. Matagal akong nanahimik pagkatapos nang pagkikita noon sa salon dahil ayokong lumaki ang issue. Aaminin kong naging masakit sa akin ang mga nabasa ko sa mga dyaryo na hinusgahan na ako.

Noong isa-isa na naming nilatag ni Angel ang mga isyu at saloobin namin, dito na nabigyang linaw ang lahat. At sa pagkakataong iyon, naging madali sa amin ang magpatawad, anuman ang nangyari,” say ni Claudine.

ABANTE TONITE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: