Angelica Panganiban explains her outburst of emotion while talking about relationship with Derek Ramsay

Angelica Panganiban explains her outburst of emotion while talking about relationship with Derek Ramsay

“Marami kasi akong pinagdadaanan. Maraming trabaho, pagod. ‘Tapos hindi ko lang ine-expect na parang magkakaroon din kami ng ganitong problema. Magkakaroon kami ng tampuhan. Ganun talaga,” says Angelica Panganiban about crying in front of the press people at the presscon of Iisa Pa Lamang.

Magka-holding hands na dumating sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa birthday party ni Cristy Fermin sa Metro Bar last Tuesday, July 22. Indikasyon daw ito na nagkaayos na ang magkasintahan pagkatapos sumabog ang isyu ng hiwalayan nila.

Dito na rin nagpaliwanag si Angelica sa tunay na pangyayari ng isyung hiwalayan nila ni Derek at pag-iyak niya sa presscon ng teleserye niya sa ABS-CBN na Iisa Pa Lamang.

“Kasi nga, may problema kami. Hindi naman masaya yun, di ba? Hindi break yun, may problema lang,” paliwanag ni Angelica sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pagdating ni Angelica from New Jersey, kung saan nag-guest siya sa show ng Wowowee, sinalubong siya sa airport ni Derek.

“Alam ko [na susunduin ako ni Derek]. Pero hindi ko alam na siya mismo ang susundo. Alam ko kasi every day kami nag-uusap, e. So ngayon, after nung mawala ako, wala talaga akong idea na siya ang susundo sa akin,” lahad ng young actress.

May kinalaman ba ang nabalitang pagdating sa bansa ng ex-girlfriend ni Derek sa tampuhan nila?

“Hindi, hindi kasi ganun. Walang third party,” giit ni Angelica.

Laking gulat naman ni Angelica nang lumabas sa The Buzz na pinamili niya ng boxer shorts si Derek sa U.S.

“Ang cheap ko naman!” reaksiyon niya.

Pero marami talaga ang nalito sa naging reaksiyon ni Angelica sa presscon ng Iisa Pa Lamang nang tanungin siya tungkol sa kanila ni Derek.

“Marami kasi akong pinagdadaanan,” paliwanag ni Angelica. “Maraming trabaho, pagod. ‘Tapos hindi ko lang ine-expect na parang magkakaroon din kami ng ganitong problema. Magkakaroon kami ng tampuhan. Ganun talaga.

“Sabay-sabay nangyari and hindi ko yun puwedeng ipagsigawan sa mga tao dahil personal kong problema ‘yon. So, mahirap. Pakiramdam ko, hirap na hirap ako sa mga oras na ‘yon kasi wala nga siya sa tabi ko. Kung sino yung kailangan ko, siya pa yung wala.”

Pero wala siyang pinagselosan kay Derek?

“Wala, wala talaga,” sagot niya.

Ano naman ang reaksiyon niya sa mga bintang na gimikera siya dahil sa nangyari?

“Oo, may topak pa raw ako. Wala, opinyon nila yun, e. Pero ako, may opinyon din ako sa kanila na huwag silang manghusga. Ngayon, kilala ko na yung tunay na nagmamahal sa akin. Wala na rin silang pagkakataon na kausapin ako. So, wala na. Tablahan na ngayon,” saad ni Angelica.

Wala bang kinalaman ang pagpapagupit niya sa tampuhan nila ni Derek?

“Wala, kasi ilang araw lang talaga kami nagkatampuhan. ‘Tapos nagkaisyu na hiwalay na kami. ‘Tapos Wednesday ng madaling-araw ako umalis papuntang New Jersey, so mukhang ang gulo-gulo na talaga ng isyu. Pagdating ko naman doon, siyempre ang goal ko sa buhay magtrabaho and peace of mind. Kasi malayo ako sa inyo [entertainment press]!” tawa niya.

Bakit nakasimangot siya sa ipinalabas na video sa The Buzz pagdating niya sa airport?

“E, siyempre may mga tao. Alam ko na kung sino nga ang tunay na nagmamahal sa akin at may mga mukha doon na hindi ko gusto,” pagsisiwalat niya.

Handa na ba siya just in case after ng tampuhan nila ni Derek ay alukin na siya ng kasal?

“Ako nga ang nagpo-porse sa kanya, e!” ngiti ni Angelica.

Nagkuwento rin si Angelica kung ano ang nangyari pagsakay niya ng kotse ni Derek nang sunduin siya ng boyfriend sa airport.

“Nakikipagkaibigan muna siya. Nagtatanong siya ng konti. Sabi ko, masaya lang. Sweet lang ako. Kailangan [pa-] girl. Okey lang.”

Sa loob ng sasakyan daw ibinigay ni Angelica ang regalo niya kay Derek. Bakit siya ang nagregalo?

“Ako ang may kasalanan talaga. Inaamin ko naman yun. Siyempre minsan, masyadong nagiging batang-isip ako. Kaya yun ang way ng pakikipagbati ko sa kanya,” pagtatapos ni Angelica.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: