Gretchen Barretto avoids Bong Revilla and Lani Mercado

“Kung papansinin nila ako, papansinin ko din sila siyempre. Nandito naman kami dahil nakiki-celebrate kaming lahat sa kaya’t dapat happy, di ba?” says Gretchen Barretto about seeing Senator Bong Revilla and wife Lani Mercado at at a birthday party.

Takaw-eksena ang kakaibang entrada ng controverisal actress na si Gretchen Barretto sa birthday party ni Cristy Fermin, July 22, sa Metro Bar.

Kasalukuyan kasing ini-interview ng ilang entertainment press si Senator Bong Revilla Revilla nang dumaan si Gretchen sa harap na parang walang nakita sa mesa nina Lani Mercado. Kasama ni Gretchen ang kapatid ni Nadia Montenegro na si Tanya ang dating artista na si Ana Abiera.

Para sa hindi nakakaalam, nagkaroon ng ugnayan noon sina Gretchen at Bong na naging dahilan ng alitan ng aktres at ng misis ni Bong na si Lani.

Nang tanungin naman ng mga reporter at TV crew ang aktres kung nakita niya sina Bong at Lani, hindi raw niya napansin ang mga ito.

“Kung papansinin nila ako, papansinin ko din sila siyempre. Nandito naman kami dahil nakiki-celebrate kaming lahat sa kaya’t dapat happy, di ba?” sabi ni Greta.

Pinagkaguluhan din ang pagdating ni Batangas Governor Vilma Santos. Agad din siyang sinalubong ng media at nagawa pang kunan sila ni Bong na magkasama at kapanayamin tungkol sa napabalitang pagtakbo ng huli bilang vice president sa 2010.

Kasalukuyan namang nagpe-perform sa stage si Piolo Pascual nang dumating ang Megastar na si Sharon Cuneta, na agad naki-join sa mesa ni Governor Vi. Para silang mga dalagitang kilig na kilig habang pinapanood ang performance ni Piolo, na sinundan naman ng crooner na si Richard Poon.

Maya-maya pa ay muling nagkagulo ang mga tao dahil dumating naman ang ex-husband ni Sharon na si Gabby Concepcion. Kinuyog din ito ng mga TV crew at press na naroroon. Kung hindi marahil ito nangyari ay malamang na dumiretso agad ito sa upuan nina Gov. Vi, na nakapareha ng aktor sa ilang pelikula noon. May nakapagsabi marahil sa Megastar ng presence ng dating asawa kaya’t nagmamadali naman itong tumalilis at lumihis ng daan pababa.

Pagtapat ni Sharon sa grupo ng mga press, kasama ang PEP, ay nagawa pa nitong magsabi ng, “Magkita-kita na lang tayo sa concert ko, ha!”

Dinagsa rin ng press ang very sweet couple na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Hinarap ng mga ito ang media at TV crew at ipinaliwanag ang mga detalye ng kanilang naging tampuhan weeks back.

“Kung anuman ang rason, please, ibigay na lang ninyo sa amin. Basta ang mahalaga, okey na kami,” pakiusap pa ni Derek, na sinagot naman ng tanong ni Angelica na: “Okey na nga ba tayo?”

Natatawa na lang ang comedy-concert queen na si Ai-Aide las Alas sa mga narinig niyang sagutan ng magkasintahan. Nakatalikod kasi kay Ai-Ai ang magkasintahan habang tinututukan ng mga TV cameras at ini-interview.

Sa obserbasyon ng PEP ay tila nagsisimula pa lang mag-usap at magkaintindihan sina Angelica at Derek. Seryoso sila sa kanilang pagbubulungan.

AMBET NABUS
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: