Derek Ramsay and girlfriend Angelica Panganiban are “back to normal”

Derek Ramsay and girlfriend Angelica Panganiban are "back to normal"

“Lahat naman ng relationship may tampuhan, may problema, e. Nagkataon lang, ito yung first namin kaya medyo more than two days na kaming hindi nag-uusap. Pero alam namin na maaayos din yun, e,” says Derek Ramsay about his misunderstanding with girlfriend Angelica Panganiban.

Magkasabay na humarap sa publiko ang magkasintahang sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban sa birthday party ni Cristy Fermin sa Metro Bar noong Martes, July 22, pagkatapos ng balitang naghiwalay sila. Naging very vocal ang dalawa, lalo na si Derek, kung ano talaga ang real score.

“Meron kaming tampuhan sa isa’t isa, pero walang dahilan para gawing ganito kalaki. Umalis siya papuntang New Jersey, ‘tapos ganun na ang nangyari. In fairness to Angel [tawag ni Derek kay Angelica], mas emotional siya kesa sa akin. Ako, may emotion din. Ako, I keep my private life to myself. Pero feeling ko na unfair na makipag-usap ako sa mga tao ‘pag kasama ko na si Angel. So, I’d rather keep it to myself first. Pero siya, mas emotional, she belted out by crying,” lahad ni Derek sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang naging problema nila ni Angelica?

“Actually, ano, e, pagsundo ko sa airport, wala na, e. Ano lang, tampuhan, then wala nang chance na ayusin, nagpunta na siya sa New Jersey. Pagbalik, okey na.”

Bakit sila nagkaroon ng tampuhan ni Angelica?

“Lahat naman ng relationship may tampuhan, may problema, e. Nagkataon lang, ito yung first namin kaya medyo more than two days na kaming hindi nag-uusap. Pero alam namin na maaayos din yun, e.”

Paano naayos?

“Nagkita lang. Ako yung nagsundo sa airport, e.”

May kinalaman ba ang napabalitang pagdating sa Pilipinas ng ex-girlfriend ni Derek sa tampuhan nila ni Angelica?

“Actually, matagal na siyang [ex-girlfriend] nandito sa bansa. Ilang bees na siyang bumalik dito. Actually, she’s making a living now here. So, natawa nga ako nung lumabas ‘yon. But I haven’t seen her for over a year. Ex ko na siya for over four years. So, natawa na lang ako sa balitang ‘yan. Matagal nang isyu ‘yon.”

So, okey na talaga sila ngayon ni Angelica?

“Oo, kahit naman bago kami mag-away, okey na okey naman kami.”

Nabalitang ipinamili raw siya ni Aneglica ng boxer shorts sa U.S.

“Anong boxer shorts?” nagtatakang tanong ni Derek.

Lumabas kasi sa The Buzz na habang nagkakaisyu ng hiwalayan sila dito sa Pilipinas ay ipinamili naman siya ni Angelica ng boxer shorts sa U.S. bilang pasalubong.

“Mas maganda yung binigay niya sa akin kesa sa boxer shorts,” sabi naman ni Derek. “Secret. Basta she treated me to something that I wanted na minamataan ko na dati pa, and shinock na lang niya ako. Pagbigay niya sa akin ng regalo, parang binato ko pabalik ko sa kanya, e, kasi ayokong tanggapin. Na-shock ako, pero tinanggap ko na rin.”

Ano naman ang masasabi ni Derek nang tawaging “gimikera” at “may topak” si Angelica dahil sa pagsabi niya sa press na hiwalay na sila, pero hindi naman pala?

“Ako, I keep my mouth [shut] the whole time. Nabalitaan ko na sinasabi na ako ang…wala akong alam tungkol sa breakup. Doon, nagsalita na ako. Nagbigay na ako ng opinyon na walang katotohanan ‘yon.

“So, ngayon ko lang nabalitaan na gumigimik si Angel, may topak siya. I know na unfair na sabihin sa kanya ‘yon. Alam n’yo naman how Angel and I started. Sa umpisa, wala kaming inamin dahil wala pa talaga, e. So, we took our time na magsalita kasi hinihintay ko nga siyang bumalik. Magsasalita naman kami, pero ayusin muna namin ang problema bago kami magsalita. And yun nga, pagbalik, naayos naman namin agad. ‘Eto, nagsasalita na kami,” pahayag ni Derek.

Ano ang estado ng relasyon nila ngayon?

“Back to normal.”

Ano yung normal sa kanila?

“Masaya.”

Kasalan na ba ang kasunod nito?

“Basta ako, I always say this, the relationship is not going to be any better if normal na magkaroon ng problema at masarap magpasaya. Yung pagbalik nga lang niya, e, you know, I was hoping for makipag-ayos. Pero pagbaba ko ng kotse, kesa si Angel ang makita ko, kamera muna. So, gagawa sana ako ng eksena doon. Pero wala na, e.”

Ano ba dapat ang gagawin niyang eksena sa airport?

“Yun nga, tama kayo, nakasimangot [si Angelica]. Kaya medyo natakot din ako!” tawa niya.

“Ano na, e, first time, di ba? So ako, natatakot din ako. Siyempre natakot din ako. Nakailang ikot na ako sa airport. Paikut-ikot na ako doon. Hindi na nga ako nagdala ng driver. Ako na ang nagbuhat ng box niya. So, paglabas ko, una kong nakita ang kamera. Nakasimangot siya [Angelica]. Parang ganun din ang hitsura ko kapag 18 hours ka sa eroplano, walang pahinga na trabaho.”

Na-torture ba siya sa kakaisip kung ano ang gagawin niyang pagsalubong kay Angelica habang umiikot-ikot siya sa airport?

“Oo, pero hindi ko ipinakita sa kanya. Sinabi ko sa kanya pagbalik niya, mag-uusap kami. Kasi ako, gusto ko harap-harapan. Mas maganda yun, e. Hintayin ko siya talaga. Pagbalik niya, wala nang salita, e.”

Ano ang nangyari sa loob ng kotse pagsakay ni Angelica?

“Siguro mga 30 seconds of silence, ‘no?” tanong ni Derek kay Angelica na katabi niya that time.

Sino ang unang nag-break ng silence? May nagsabi ba agad sa kanila ng “I miss you”?

Kuwento ni Derek, “Hindi, wala munang ganun. ‘Kumusta [ang] trip,’ ganyan-ganyan. ‘May pasalubong ako para sa ‘yo,’ sabi niya. Then, paglabas niya ng box, itinapon ko pabalik. ‘Tapos biglang nakita ko, iiyak na. Tinanong ko, ‘Ano’ng problema mo?’ ‘Ayaw mong tanggapin yung gift ko,’ sabi niya.”

Bakit naman itinapon?

“Na-shock lang ako,” sagot niya.

Ano yung nakaka-shock sa gift sa kanya ni Angelica?

“Tanungin n’yo siya [Angelica]. Ano ba? Sabihin ko ba?” tanong niya ulit kay Angelica.

Hindi pa nakakasagot si Angelica at nagtinginan lang sila, sumagot na si Derek.

“Ah, binigyan niya ako ng watch.”

Bakit na-shock siya sa relo? Rolex o Omega ba ang tatak?

“Hindi Rolex. Basta sa amin na yun. Swatch boy kasi ako, e. Basta sa amin na yun. Amin na yun. Basta alam niya na mahilig ako sa relo.”

Bakit niya ibinato?

“Na-shock lang ako. ‘Ano ‘yan? Hindi puwede ‘yan!'”

Inamin naman ni Angelica na siya ang may kasalanan kaya siya ang nagregalo kay Derek.

“Nag-open up na kami, nag-ayos na kami,” kumpirma ni Derek. “Yung problemang nangyari, sa amin na yun. Actually, hindi siya ganun kalaki. Normal lang yung nangyari.”

Sa fashion show ng Bench na gaganapin bukas, July 25, may restrictions ba si Derek kayAngelica?

“Kahit ano ang gusto niyang suutin sa rampa, I’m sure she’s gonna be good, you know. Pati sa kanyang mga trabaho, I don’t interfere with her job. You know, si Angel naman, classy girl ‘yan. So, she can carry whatever. Ako, okey lang ako doon. Trabaho niya yun. Hindi nga lang ako puwedeng pumunta doon!” natatawang sabi ni Derek na endorser ng kalabang brand ng Bench, ang Oxygen.

May kinalaman ba ang tampuhan nila sa pagpapagupit ni Angelica ng buhok niya?

“Actually, ako ang nagsabi na magpagupit siya ng buhok.”

Hindi ba niya type ang mahabang buhok ni Angel?

“Hindi, sabi ko, bagay lang sa kanya nung ginawa na niya. Weakness ko kasi yung leeg ng babae, e. So, pinagupit niya talaga ang buhok niya.”

Dahil ba dito ay mas madalas na niyang halikan sa batok si Angelica?

“Sa akin na yun!” tawa ni Derek.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

1 Comment »

  1. 1
    Elle Says:

    Thats good for you both together again.Im so happy coz I like u two!


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: