A two-in-one conversation with Vilma Santos and Sharon Cuneta

A two-in-one conversation with Vilma Santos and Sharon Cuneta

Star For All Seasons Vilma Santos (left) and Megastar Sharon Cuneta (right) might finally do a movie together.

Masayang nagkita sina Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta sa birthday party ng TV host at columnist na si Cristy Fermin sa Metro Bar kagabi, July 22. Ito ang unang pagkataon sa isang showbiz event na nagkasama ang dalawa sa pinakamalalaking bituin ng industriya pagkatapos ng medyo matagal na ring na panahon.

Dito nagpaunlak ng interview ang Star For All Seasons at Megastar para sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang taga-media na nasa naturang birthday party.

PEP: Wala ba kayong gagawing pelikula na magkasama?

SHARON: Ay, huwag n’yo munang tinatanong ‘yan

VILMA: Looking forward. I pray.

SHARON: Yeah, we do. Hindi na po matatagalan.

PEP: Ngayon pa lang ay usap-usapan na ang pagtakbo ni Governor Vi bilang presidente o vice-president sa 2010 election. Tuloy na ba ito?

SHARON: (To Vilma) Text mo ako. Hahaha!

VILMA: I want to concentrate more pa, magko-concentrate muna sa Batangas, yun lang.

PEP: What about Sharon? Wala ka bang balak pasukin ang politika?

VILMA: Supposedly, hindi raw para siya diyan. Sabi niya, hindi raw siya para sa politika. Pero we really can never tell.

SHARON: My God! But no, I don’t have you’re ano…

VILMA: No, but me nga, I never in my wildest dream that I will be in politics.

SHARON: But you’re doing very well.

VILMA: Yeah, but you can never tell. What if kapag nandun ka na rin? I’m sure you’ll do good also.

SHARON: But I have babies

VILMA: I’m also a mother. I also have babies.

SHARON: Okay, ‘Te. I’ll just support you. I’ll transfer to Batangas.

PEP: If ever ba na tumakbo si Governor Vi bilang presidente o vice-president ng bansa, ano ang support ang ibibigay ni Megastar?

SHARON: My God! Call na ni Ate ‘yan kung magsasabi siya sa akin. Oo, kasi nandiyan pa si Senator [Francis Pangilinan, Sharon’s husband] or kung hindi conflict. Hahaha!

VILMA: Ah, hindi ano, gawan muna natin ng paraan ang bansa natin ngayon. Hirap ang bansa, yun muna.

SHARON: Ay, tumakbo ka na!

VILMA: Nanay ko! Hahaha! No, let’ all work together.

SHARON: Sige na, ako naman suman lang happy na. Hahaha!

VILMA: No, ano muna, let’s all work as a team. I’m very optimistic we will all survive. We all have to work as a team. Yun muna. Malayo pa ang 2010.

PEP: What if kung si Sharon naman ang pumasok sa politika?

VILMA: Puwede rin. Tinatanong pa ba ‘yan? No, no…ayaw lang niya. But katulad ko, hindi ko rin pinangarap. But I am110 percent sure once na may pagka-pulitika…

SHARON: No, don’t do that to me. Hahaha!

VILMA: No, because I’m telling the truth. Hindi n’yo rin ida-doubt, e. Doon [pulitika] ka rin lumaki, e. In everything we do, we do our best.

SHARON: But you know, like Ate, who has won ano, she’s well-equipped with person. She has full of values. Sabi ko nga ‘Te, di ba? It takes a certain kind of person.’ She has what it takes. Talaga ako, ‘Te, alam mo treadmill lang hirap na hirap na akong tumakbo. Pumunta lang ng gym hirap ako. Ang bayan hindi pinapahiya. Hahaha!

VILMA: Nobody can tell. As I’ve said, hindi ko pa iniisip, but I’m here as public servant. Maybe some day. If it’s meant, why not?

SHARON: Ako, basta makasama ko kayo ni Tito Dolphy, gusto ko lang makita. Gusto ko kayong makatrabaho bago ako mag-retire. Lilipad ako ng Lipa. Hahaha!

PEP: Very close daw ngayon si Angel Locsin at ang panganay na anak ni Governor Vi na si Luis Manzano?

VILMA: Yeah.

PEP: Kalat na rin ang balitang magkarelasyon na talaga ang dalawa. Ano ang masasabi ni Governor tungkol sa isyu?

VILMA: No comment. Hahaha!

SHARON:”Ahh!!!

VILMA: Ah, malaki ang tiwala ko sa anak ko. Mabait na anak si Luis. Siya (Sharon) naman ang tanungin ninyo.

PEP: Nakatakdang dumating bukas (July 23) sina KC Concepcion at Richard Gutierrez mula sa shooting ng movie nila na For The First Time mula sa Greece…

SHARON: Oo, ang tagal nga, e. But they keep me updated naman. I mean, it’s Richard Gutierrez, so, he’s nice guy.

VILMA: Alam ninyo, hindi na maganda ‘to. Naiba na.

SHARON: ‘Tsaka mga buhay ng anak namin ‘yan.

VILMA: Shawie, buhay na ng mga anak namin ang pinag-uusapan natin. Hahaha!

SHARON: Oo nga, hindi. Kami ang ini-interview ninyo, kami muna. Hahaha! Busy din kami, ah!

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: