Katrina Halili insists Riza Santos snubbed her at FHM event

Katrina Halili insists Riza Santos snubbed her at FHM event

Katrina Halili to Riza Santos: “Sana lang, huwag kang masyadong masama tumingin. Kasi ano, e, nami-misinterpret ng ibang tao. Ako, okay lang ako. Pero paano yung ibang tao? Baka mamaya niyan, dumami ang kaaway mo.”

Pagkatapos maglabasan ang istorya tungkol sa pang-iisnab diumano ng beauty queen-actress na si Riza Santos sa Kapuso stars na sina Katrina Halili, Alyssa Alano, at LJ Reyes sa FHM 100 Sexiest Women in the World victory party last July 17 sa World Trade Center, nagbigay naman ng kanyang panig ni Riza tungkol dito.

Sa artikulong unang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Riza na hindi niya inisnab at inirapan ang mga nabanggit na Kapuso stars. Paliwanag niya, busy raw siya noong mga oras na ‘yon at hindi niya gaanong napansin ang presence nina Katrina, Alyssa, at LJ.

Kaninang tanghali naman, July 22, ay muling nakausap ng PEP si Katrina sa contract signing niya para sa OctoArts Films sa Guilly’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Hiningi namin ang kanyang reaksiyon sa pahayag ni Riza tungkol sa nangyari sa event ng FHM.

Pinangunahan na ito agad ni Katrina sa pagsasabing hindi naman daw siya galit kay Riza.

“Well, hindi naman po ako galit sa kanya. Alam n’yo naman po ako, tao lang po ako. Katulad na lang po noong StarStruck, sinabi ko na hindi ako pinansin ni Yasmien [Kurdi].

“Tinanong sa akin, ‘Bakit?’ E, hindi naman talaga niya [Riza] ako pinansin. Pero mabait naman po siya, siguro bad trip lang talaga siya noon. Wala siya sa mood or ewan ko kung ano ang problema niya. O baka naman nahihiya siya kasi first time niyang mag-ramp or hindi niya ako kilala. Hindi natin alam.”

Consistent si Katrina sa pagsasabing nag-smile siya kay Riza, pero hindi siya sinukulian ng ngiti ng dating Miss Earth-Canada at ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Kuwento ni Katrina, “Tiningnan ko po siya at nginitian ko siya. Siguro po, ako rin naman kasi, di ba? Kahit ako rin naman po, sinasabihan ako ng mga tao na masungit daw ako, pero naiintindihan ko naman po yun. Kumbaga, nakikipagkuwentuhan lang ako at nasabi ko na sinungitan niya ako, tiningnan ko lang siya.”

Sa kabila nito, gusto pa rin daw ni Katrina na intindihin kung anuman ang naging actions ni Riza.

“Siguro ano po, yun lang yung…minsan may mga taong nahihiya. At dahil nahihiya siya, magpe-pretend na lang siya na masungit siya. Kasi minsan, ganoon din naman ako.

“Actually, nasabi ko lang po kasi, kaibigan ko sila Iwa. E, si Iwa, parang nagsabi na sinungitan niya si ano… So parang ako, ‘Ako rin!'”

Sa interview ng PEP kay Riza, itinanggi nito na may ganoong insidenteng naganap. In fact, nagpahayag pa ito na bumili siya ng DVD copy ng movie ni Katrina na Gigil at nagsabing idol daw niya si Katrina. Napi-feel ba ni Katrina ang sincerity sa naging pahayag ni Riza?

“Hindi ko alam!” sagot niya. “Kasi ako, kahit masungit ako, kung idol ko siya, hindi ko ipapakita. Siguro blangko lang ang mukha ko, pero hindi ako magtataray.”

Nasabi rin ni Riza na sa dami ng tao at sa pagiging busy ng lahat noong event, hindi na raw niya matandaan kung nakapag-eye-to-eye contact nga sila.

“Imposible!” reaksiyon naman ni Katrina. “Kasi ilang beses ko siyang tinitigan. Kunwari noong una, nginitian ko siya ‘tapos sinungitan niya ako. ‘Tapos tinitigan ko talaga siya at hindi ako tumigil kahit nakatingin siya sa akin. Parang ako, ‘Sino ba ‘yan?’

“Pero siguro, yun nga, first time niya na pupunta doon. Hindi niya ako kilala or hindi niya alam kung paano niya ako ia-approach. Hindi natin alam.”

Sa huli, may mensaheng gustong iparating si Katrina kay Riza.

“Hindi naman po ako galit sa ‘yo. Sana lang, huwag kang masyadong masama tumingin. Kasi ano, e, nami-misinterpret ng ibang tao. Ako, okay lang ako. Pero paano yung ibang tao? Baka mamaya niyan, dumami ang kaaway mo.

“Wala naman yun. Alam ko na mabait ka naman sigurong tao. Posibleng hindi mo sinasadya. So siguro, iwasan mo na lang ang ganoong bagay. Nasa showbiz ka, e. Lahat ng tao nakatingin sa ‘yo,” pahayag ni Katrina para kay Riza.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: