Iwa Moto explains her concern in snubbing incident at FHM event

Iwa Moto explains her concern in snubbing incident at FHM event

“Nagsumbong kasi sa akin si Alyssa and sabi ko sa kanya, ‘Sino ba yung Riza?’ So, sabi ko, ‘Bakit, ano ba ang ginawa sa iyo?’ Sabi niya [Alyssa], nakatayo lang daw siya ‘tapos tiningnan siya ng masama at inirapan nito. Sabi ko, ‘Ano’ng ginawa mo?’ Sabi niya, ‘Wala, ngumiti lang ako.’ Yun ang sabi ni Alyssa sa akin,” narrates Iwa Moto about the incident that happened between Riza Santos (inset, top) and Alyssa Alano (inset, bottom).

Nabanggit ang pangalan ni Iwa Moto sa snubbing incident na nangyari diumano sa pagitan ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Riza Santos at ng Kapuso stars na sina Katrina Halili, LJ Reyes, at Alyssa Alano sa FHM 100 Sexiest Women in the World victory party sa World Trade Center last July 17.

Dahil dito ay nag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iwa kanina, July 21, upang alamin kung totoo ang balitang gusto niyang kumprontahin si Riza nang nalaman nito ang ginawa sa mga kasama sa GMA-7. Kasalukuyang nasa Clark, Pampanga, noon si Iwa sa binyagan ng kapatid ng boyfriend niyang si Michael Ablan, at ilang minuto pa ay siya na mismo ang tumawag sa amin.

Ikinuwento ni Iwa sa PEP ang nangyari sa nabanggit na insidente.

“Nagsumbong kasi sa akin si Alyssa and sabi ko sa kanya, ‘Sino ba yung Riza?’ Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga siya kilala. Hindi naman kasi ako nanonood ng TV dahil wala na akong time.

“So, sabi ko, ‘Bakit, ano ba ang ginawa sa iyo?’ Sabi niya [Alyssa], nakatayo lang daw siya ‘tapos tiningnan siya ng masama at inirapan nito. Sabi ko, ‘Ano’ng ginawa mo?’ Sabi niya, ‘Wala, ngumiti lang ako.’ Yun ang sabi ni Alyssa sa akin,” lahad ng young actress na napapanood sa afternoon soap na Magdusa Ka.

Pero nilinaw ni Iwa na wala siyang intensiyong makipag-away, lalo na sa aspetong pisikal, kay Riza. Gusto lang daw niyang maayos ang anumang gusot na nangyari.

“Sabi ko, ‘Halika tingnan natin sa CR.’ Pero hindi naman ibig sabihin, e, uumbagin ko kaya gusto kong puntahan sa CR o kaya ko hinahanap. Kaibigan ko kasi si Alyssa and ayokong ginaganoon ang kaibigan ko.

“Tatanungin ko lang naman kung bakit niya [Riza] inirapan o kung ano ang problema niya, baka may problema silang dalawa. Ang pagpunta ko sa kanya ay para maayos kung anuman ang problema nila at hindi para mangdyombag.

“E, pagkatapos sabi sa akin ni Alyssa na, ‘Naku, susuntukin ko ‘yan, naiinis ako….’ Sabi ko, ‘Halika, puntahan na natin.’ Bigla naman siyang [Alyssa] umawat na ‘Huwag na.’ Ang sa akin lang naman, huwag ka nang magsumbong. E, bakit ka pa nagsusumbong? Akala ko kaya niya sinasabi sa akin para humingi ng tulong, e, ayaw naman pala niya. Akala ko, gusto niyang gawan namin yun ng action.

“‘Tapos nakasalubong namin si Katrina [Halili], pati si Omar, yung road manager niya. Ang sabi ni Omar, naiinis daw siya kay Riza kasi nga raw inirapan si Katrina. Sabi ko, ‘OA na yung babaeng ‘yon ha, dalawang kaibigan ko ang inirapan! Ano ba problema nun?’

“Nang tinanong ko si Katrina, sagot naman ni Katrina, ‘Ewan ko dun, laki ng problema niya.’ Sabi ko, nagpapakakontrobersiyal ba siya? Huwag siyang mang-aaway, mga kaibigan ko ito, e.

“I don’t really care about her [Riza]. Gusto ko lang tanungin kung bakit ganoon ang ginawa niya sa mga kaibigan ko. Kung sa akin naman, wala naman yun. Pero dalawang kaibigan ko na ang nagsumbong sa akin. E, akala ko gusto nilang ayusin ko, pero inawat naman nila ako, e, di dedma na lang ako,” tuloy-tuloy na kuwento ni Iwa.

Ano sa palagay ni Iwa ang dahilan ni Riza kung bakit nito inirapan sina Alyssa at Katrina?

“Hindi ko talaga siya kilala kaya ipinagtanong ko kung sino si Riza. Then, noong nasa stage na, nang tawagin siya, sa loob-loob ko, ‘Ah, ito pala si Riza.’ Wala naman sa akin yun, e, kaya lang, kaibigan ko kasi yung ginawan niya ng ganoon.

“Kumbaga, may umaaway sa friend ko kaya gusto ko lang maayos. Pero hindi ako makikipag-away o anuman, ang ganda-ganda ng dress ko that night kaya ayokong mang-away!

“Nakakasama lang ng loob itong si Alyssa, kasi noong ini-interview na siya sa Startalk, ako pa ang inilaglag. Kaya pagdating ko ng Maynila tomorrow [July 22], tatalakan ko talaga siya! Humanda siya sa akin; ako pa ang sinasabi niyang gustong mang-away, e, siya nga yung nagsasabing gusto niyang suntukin. Nagpatulong na nga sa akin, ako pa binaligtad. Naku, lagot sa akin talaga ‘yang si Alyssa!” mataray pero nakatawang sabi ni Iwa.

MARICRIS VALDEZ-NICASIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: