Gloria Diaz says she will never be a stage mother to daughter Isabelle

Gloria Diaz says she will never be a stage mother to daughter Isabelle

“I always tell her if anybody likes her is fine with me, as long as they are good people, as long as they love her. Never go with a man because you love them, go with them because they really love you,” says Gloria Diaz about daughter Isabelle.

With her stature as first-ever Filipina who won the Miss Universe crown, napatunayan ni Gloria Diaz na hindi lang siya gifted pagdating sa ganda at talino kundi ng talento at natural na husay sa pag-arte.

Patunay na nito ang ilang acting awards niya na kumilala ng brilyo niya bilang isang mahusay na aktres, kagaya ng pagganap niya bilang si Doña Teodora Alonzo sa Jose Rizal, hindi na pagtatakhan kung sa mga anak ng beauty queen-actress ay may isang magmana ng kanyang trono.

Hinuhulaan na susunod sa yapak ng ina si Isabelle Diaz Daza dahil tinataglay raw ng dalaga ang mga katangain na makagawa ng sarili niyang tatak sa showbiz.

Sa nakaraang presscon ng Beverly 6750, kung saan parehong endorsers ang mag-inang sina Gloria at Isabelle, sinabi ng dating Miss Universe na hindi siya magiging stage mother para sa anak ngayong nagsisimula nang makilala si Isabelle.

“My mother wasn’t a stage mother, she let me do what I wanna do,” sabi ni Gloria. “I think in the same way, I have lots of unsolicited advice for [Isabelle]. But at the end, I’ll say to her, ‘I’ll just stay home and have a massage, I trust you and you can do it.’”

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ang pagiging beauty queen ba o pagiging artista ang gusto niyang i-pursue ng anak, inang-ina ang sagot ni Gloria.

“No, I just molded her to make sure that she’ll take care of me in my old days. Isabelle can do whatever she wants to do. It’s up to her if she wants to be a beauty queen, an actress, or a model. She can dance, she can act, but can she do it well? That would be the 90-dollar question.”

Kahit sa pakikipagrelasyon ay sinabi ni Gloria na hindi siya nanghihimasok sa personal na buhay ng anak. May isa lang daw siyang advice na ibinigay kay Isabelle.

“I always tell her if anybody likes her is fine with me, as long as they are good people, as long as they love her. Never go with a man because you love them, go with them because they really love you.”

Sa nakaraang Miss Universe beauty pageant na ginanap sa Vietnam ay hindi na naman pinalad ang representative ng Pilipinas na si Jennifer Barrientos na iuwi ang karangalan. Para kay Gloria, isang malaking bagay pa rin ang tamang panahon at suwerte.

“Unfortunately nga, hindi ko siya nakita. Pero ganun talaga yun, suwerte-suwerte lang. You’re never sure no matter how beautiful you are. I think our contestant was beautiful, but it’s like a lotto; not just because you choose the 7 or the 8, you’re gonna win, it needs lot of luck. Just be there, you’re already a winer. Ang gaganda ng mga sumali, lahat ng runners-up were beautiful. Unfortunately, hindi pa natin siguro panahon,” saad ng Miss Universe 1969.

Nasangkot sa isang malaking kontrobersiya ang Beverly Hills 6750 noon. Hindi ba nagdalawang-isip si Gloria na tanggapin ang alok upang maging ensorser ng naturang beauty-cosmetic clinic?

“Actualy I was not aware of the controversy, it was just in the latter part that I became aware of it. But I could say when I went to their clinic, I was surprised na mayroon palang ganito dito, ganito kalinis and all the doctors are really legit doctors. This is not a beauty parlor, this is a real clinic with wholesome people.”

MELBA LLANERA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: