Angelica Panganiban and Derek Ramsay back in each other’s arms

Angelica Panganiban and Derek Ramsay back in each other's arms

Young couple Derek Ramsay and Angelica Panganiban seem to have kissed and made up since the model-actor was the one who picked up his girlfriend at the airport when she arrived from New Jersey.

Naging malaking isyu sa showbiz ang napabalitang hiwalayan ng magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsey last week. Si Angelica ang unang nagsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Derek sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang noong July 8.

Ayon kay Angelica, “Bihira na kasi kaming magkita kasi wala naman kaming project na magkasama. So kumbaga, nagkapatung-patong na. Kaya may mga bagay kaming inaayos at napagdadaanan namin talaga yun ng isang relasyon maski naman sino. Di ba nga, mga magkaibigan, mag-boyfriend o girlfriend, mag-asawa, pamilya…lahat naman tayo dumadaan sa ganyan.

“Kaya hindi namin alam kung ano patutunguhan ng relasyon namin, hindi ninyo alam o kami rin hindi rin namin alam. Walang may alam, as in. Kung anuman ang mangyari sa amin, e, yun ang gusto ng Diyos, yun siguro talaga ang itinadhana.”

Kinabukasan, July 9, ay lumipad na si Angelica patungong New Jersey kasama ang iba pang hosts ng Wowowee para sa isang special show doon.

Habang wala si Angelica sa Pilipinas, marami ang kumuha ng panig ni Derek tungkol sa isyu. Naging consistent naman si Derek sa kanyang mga sagot na okey sila ni Angelica at hindi sila magkahiwalay.

Noong Miyerkules, July 16, pagbalik ni Angelica sa bansa, inabangan ng The Buzz ang young actress sa airport. Diretsahan nilang tinanong si Angelica tungkol sa pag-iyak niya bago siya umalis ng Pilipinas.

“Okey lang ako,” matipid at umiiwas na sagot ni Angelica.

Hindi rin sumagot si Angelica nang tanungin siya kung okey na ang puso niya ngayon. Kasunod nito ang paglayo sa kamera ng The Buzz.

Pero ilang sandali lang ay dumating na ang sundo ng aktres sakay ng isang asul na sasakyan. Ang huling-huling bumaba rito ay walang iba kundi si Derek. Patunay lang daw ito na wala talagang hiwalayang nangyari sa pagitan ng magkasintahan.

Nakunan din ng pahayag ng The Buzz si Derek bagamat napakatipid din ng ibinigay niyang sagot sa tanong kung okey na ba sila ni Angelica.

“Okey, okey na kami,” ngiti ni Derek.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: