Billy Crawford still being avoided by Kuya Germs

Billy Crawford still being avoided by Kuya Germs

“Wala po siya rito kaya wala akong chance na kausapin siya. I tried, pero halata pong iniiwasan niya ako. I will wait na lamang ng time na makausap siya, sana bago ako bumalik sa States,” says Billy Crawford about his effort to speak with his former mentor, German “Kuya Germs” Moreno.

Babalik na sa Los Angeles, California ang Filipino international singer na si Billy Crawford sa September 17 pagkatapos ng grand finals ng Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN. Ito ang pahayag ni Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa formal launch cum presscon para sa kanya ng Belo Medical Group as their newest celebrity endorser, July 17, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa pagtatapos ng PDA, matatapos na rin ang pinirmahang kontrata ni Billy sa ABS-CBN at ang pagiging co-hosts niya sa ASAP ‘08. Ano ang next move ni Billy pagbalik niya sa States?

“Hindi po ako magtatagal sa Los Angeles,” sagot ni Billy sa PEP. “Kailangan ko na rin pong pumunta ng Paris, France, to promote my new album which I recorded sa States bago ako umuwi rito. I will stay there for six months.”

As host of Pinoy Dream Academy, tinanong si Billy kung totoong may dalawang bading na scholars inside the academy.

“Hindi ko po alam kasi hindi naman ako directly nakikipag-communicate sa kanila dahil I’m only updating ng mga nangyayari sa loob ng academy, at co-host nina Toni Gonzaga at Nikki Gil every Saturday,” natatawang sagot ni Billy.

HAIR PROBLEM. Biniro si Billy na medyo lumalapad ang noo niya, samantalang noong That’s Entertainment days ay ang kapal-kapal ng buhok niya.

“Medyo nga po,” nakangiting sagot ni Billy. “Nakuha ko ito dahil lagi akong naka-sumbrero noon. Yung init at pawis, nakaapekto sa buhok ko, numipis ito. Kaya ngayon, hindi na ako nagsusuot ng sombrero at cap.”

May nagtanong din kung wala ba siyang balak alisin ang goatee niya.

“Kapag tinanggal ko ang goatee ko, magmumukha po akong 13 years old. Kaya noong year 2000, sinimulan ko nang magpatubo ng goatee at tini-trim ko lang para mabawasan,” paliwanag niya.

UNRESOLVED CONFLICT. Hindi maiwasang tanungin pa rin si Billy tungkol sa sama ng loob sa kanya ng dating mentor niya na si German Moreno. Nagkausap na ba sila?

“Hindi pa po,” sagot ng singer-TV host. “Wala po siya rito kaya wala akong chance na kausapin siya. I tried, pero halata pong iniiwasan niya ako. I will wait na lamang ng time na makausap siya, sana bago ako bumalik sa States.”

Ano ang comment niya sa patuloy na paglabas ng hindi magandang write-ups sa kanya? Apektado ba siya kung below the belt na ang isinulat sa kanya?

“Parang nasanay na rin po ako sa bad write-ups,” aniya. “Basta hindi naman totoo, hindi ko na lang pinapansin. But it’s true, to be honest, nasaktan po ako doon sa issue na wala raw akong utang na loob kay Kuya Germs. Every year, every time po na umuuwi ako ng Pilipinas, siya ang una kong pinupuntahan kasi ang turing ko po sa kanya, siya ang second father ko. Iniisip ko na lang tampong-ama lang sa anak ang nararamdaman ni Kuya Germs.”

How about ang dati niyang manager na si Raul Laurente na sabi’y nagkautang daw dahil sa pagpu-produce ng concert niya last year sa Araneta Coliseum?

“Hindi pa po kami nagkakausap,” pag-amin ni Billy. “Ayoko na po sanang pag-usapan ‘yon. Pero gusto ko rin namang ipaalam na kung nag-invest siya sa concert, nag-invest din po ako sa concert. Kasi nga po, tulungan kaming lahat noon dahil hindi naman talaga madaling mag-produce ng concert. May accountant naman po kaming naghawak ng finances, palagay ko po ay may miscommunication lang. Hopefully, maayos na rin ito.”

Nami-miss ba niya ang Pilipinas at si Kuya Germs?

“Sobra po!” sambit niya. “Miss na miss ko po ang Pilipinas kasi iba talaga rito. Siyempre nami-miss ko po ang tatay ko, si Kuya Germs.

“Kahit saan po ako pumunta, lagi kong sinasabi na Pilipino ako. I was born here kaya kahit sa recording ko sa States, ipinaglaban namin ng daddy ko na Filipino-American ako. Sa France, kilala nila ako as a Filipino-American artist.”

IS HE COURTING HEART? May lumabas na issue noon na inali-link si Billy kay Heart Evangelista. Totoo ba na nililigawan niya ang ex-girlfriend ni Jericho Rosales?

“No, wala pong katotohanan ‘yong kay Heart,” tanggi niya. “Nagkasama lang kami noon, pero group date lang po ‘yon, hindi kaming dalawa lang. Wala po akong girlfriend ngayon, wala akong iniwan sa States. Ako po ang iniwanan ng girlfriend ko bago ako umuwi rito.”

NEW BELO ENDORSER. Sa presscon proper, ikinuwento ni Dr. Vicki Belo kung paano niya nakilala si Billy. Nasa Paris daw siya noong 2005 at nakita niya ang poster ni Billy sa isang record bar doon kaya tinanong daw niya ang salesgirl kung bumebenta ang album ni Billy. Sagot daw sa kanya, number one ang records ni Billy at kilalang-kilala ito sa France.

Lalo raw naging proud si Dra. Belo na isa siyang Filipino dahil kay Billy. Nang umuwi nga rito si Billy for the PDA, hindi na siya nag-aksaya ng panahon na kausapin ito to be one of the endorsers ng kanyang medical group.

Gaano katagal ang contract ni Billy sa Belo Medical Group?

“Two years,” sagot ni Dr. Vicki. “Ime-makeover ko siya bago bumalik sa States. I-endorse niya ang skin master, yung whitening under the eye.

“Gusto ko sana siyang i-hair transplant para mabawasan ang lapad ng forehead niya. Kaya lang, it will need 10 days na hindi siya magwu-work. Hindi naman puwede kaya pagagandahin ko na lang ang body niya para maging model’s body.

“Gusto ko rin sanang tanggalan siya ng tattoo kaya lang mahirap tanggalin ang tattoo na color red and green, na marami siya. Tamang-tama na we’re going global ngayon, kaya isa si Billy sa isasama ko sa opening ng branch ko sa Dubai at next year, sa Beverly Hills in Los Angeles.”

Nagpasalamat naman si Billy sa pagtitiwala sa kanya ni Dr. Vicki na maging endorser ng Belo Medical Group.

NORA CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: