3 malakas na lindol sa loob ng 1 taon

MANILA – Alam nyo ba kung anong taon naganap ang pagtama ng tatlong malalakas na lindol sa Pilipinas na kumitil sa buhay ng mahigit 2,000 tao?

Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na kasama sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire,” kung saan makararanas ng madalas na paglindol at pagsabog ng mga bulkan.

Taong 1990 nang maganap ang tatlong malalakas na paglindol sa Pilipinas. Una noong Pebrero 8 na tinawag na Bohol earthquake; na sinundan ng Panay earthquake noong June 14; at ang pinakamalupit na paglindol ay naganap sa Luzon noong July 16.

Sa paglindol sa Bohol na may magnitude 6.8, sinasabing kumitil ito sa buhay ng may anim na tao, 200 iba pa ang nasaktan at mahigit 7,000 ang nawalan ng tirahan.

Samantala, may sukat na 7.1 intensity ang lindol na tumama sa Panay Island na nagresulta sa pagkasawi ng may walong tao at 41 iba pa ang nasaktan. Ang sentro ng lindol ay pinapaniwalaang naganap sa lalawigan ng Antique.

Ngunit ang pinakamalupit ay naganap sa Luzon na may sukat na 7.9 intensity na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 2,000 tao at tinatayang 3,000 iba pa ang nasaktan. Ipinapalagay din na aabot sa 148,000 tao ang nawalan ng tirahan sa mga lugar na matinding nasalanta ng kalamidad tulad ng mga lungsod ng Baguio (Benguet), Dagupan (Pangasinan) at Cabanatuan (Nueva Ecija).

GMANews.TV

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: