Rudy, naghabilin na sa burol at libing

NAGSIMULA nang mag bigay ng habilin sa pamilya si Rudy ‘Daboy’ Fernandez.

Kinumpira ito ng kaibigan niyang si Senador Jinggoy Estrada kahapon sa harap ng Senate media.

Kinumpirma rin ni Senador Jinggoy na kritikal ang kalagayan ng kaibigan.

Inilarawan ng senador ang lumalaking tiyan ni Daboy bunga ng naipong tubig sa katawan.

Aniya, nababalutan ng cancer cell ang atay ng kaibigan.

Sumusukat ng apat napu’t apat (44) na pulgada ang tiyan ni Daboy bunga ng naipong tubig sa katawan.

Naninilaw ang dalawang mata nito.

Inihabilin ni Daboy sa asawang Lorna Tolentino ang paglilibingan niya. Ni-request ni Daboy na sa Heritage Park sa C-5 Road siya ilibing.

Mismong si Lorna ang nagtanong kay Daboy kung ano ang isusuot ng actor sa burol nito.

“Bahala na kayo,” ang sagot ni Daboy.

Idinaan sa biro ni Daboy ang special request na idaos ang kanyang burol sa Sanctuario sa Forbes Park.

Gusto umano nitong ‘solo flight’ sa burol.

Ayaw ni Daboy na meron siyang mga kasabay na patay na pi naglalamayan.

REY MARFIL
Abante Tonite

1 Comment »

  1. 1
    PINA Says:

    This is not a comment, I want to extend my deepest condolence to the family of my favorite actor Mr. Rudy Daboy Fernandez, From here in Madrid Spain, our DEEPEST CONDOLENCE, matagal na naming inaabangan ang palabas nya sa TV, we even watched his Bday celebration, healing prayer etc….. and to Lorna and children BE STRONG, and to Mark YOU WILL BE THE DABOY ….


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: