Lovi Poe’s mother strongly against blooming love affair between her daughter and Jolo Revilla

Lovi Poe's mother strongly against blooming love affair between her daughter and Jolo Revilla

The song “You And Me Against The World” aptly describes the current state of relationship between Jolo Revilla and Lovi Poe.

Kumalat ang balita through text messages na muling sumugod ang ina ni Lovi Poe na si Rowena Moran sa last taping day ng Kaputol ng Isang Awit kahapon, May 27. Diumano’y nakagawa ulit ng eksena ang dating modelo sa muling pangungumpronta nito kay Jolo Revilla para layuan ang anak.

Nauna rito, napabalitang sa taping ng Maynila ay sumugod si Rowena at gumawa ng eksena dahil nga hindi tinatantanan ni Jolo si Lovi. Kung saan daw naroroon ang young actress ay tiyak na naroroon din ang anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

Agad itong idinenay nina Jolo at Lovi nang makausap sila ng ilang reporters sa taping ng Sine Novela ng GMA na malapit nang magwakas. Puro pagtatanggol sa isa’t isa ang namumutawi sa bibig ng dalawang young stars, at patuloy na pagtatago sa tunay na nararamdaman ng ina ni Lovi sa lumalalang situwasyon diumano ng young lovers.

Dumating na raw si Lovi sa puntong nagtutungayaw at tumili ng “I’m not a robot!” Naging running gag na ito among movie reporters dahil isang senyales na ito ng tumitinding pagrerebelde ng young actress, na pati nga raw ang trabaho nito ay naaapketuhan na dahil marami na itong inaayawan.

Hindi naman daw ganito si Lovi dati, pero ngayon ay nagrereklamo na kapag may nasasagasaan daw na schedule para sa kanila ni Jolo. Pero kapwa itinanggi nina Jolo at Lovi ang naturang balita.

Isang unconfirmed report ang nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na mismong si Bong ay kinausap na ni Rowena tungkol sa problema nito sa anak ng senador. Kahit daw anong pagbabawal at paghihigpit ang gawin niya kay Lovi, kung anu-ano na ang pagsuway na ginagawa nito.

Medyo apektado nga raw si Bong dito dahil pati siya ay madadamay sa kung anumang kapalpakang puwedeng iresulta ng hindi mapigilang relasyon nina Lovi at Jolo.

Natatakot si Rowena na baka sa pagkabuntis mauwi ang lahat, at hindi lang ang career ng anak ang iniintindi nito, kundi pati ang kabuuang kinabukasan ng young actress sakaling mabuntis siya ni Jolo.

Understandable daw kung bakit ganito ang reaksiyon ng ina ni Lovi, and more sensible minds obviously side with her. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na nabuntis ni Jolo ang dati niyang girlfriend na si Grace Adriano, na anak ng aktres na si Rosanna Roces.

Mukhang pagkatapos ng Kaputol ng Isang Awit, mahihirapan nang magkaroon ng panahong magkita sina Jolo at Lovi. Ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez, para matapos o maiwasan na lang ang anumang gulo, mukhang iiwasan na lang na tumanggap pa ng offers for Lovi kung si Jolo ang makakasama.

“You and Me Against the World” nga raw ang awiting nababagay sa situwasyon nina Lovi at Jolo sa ngayon. Pero dahil sa hindi mapigilang pagkahaling nila sa isa’t isa, expect worst things to happen. Harangan man ng sibat, wala raw makapipigil pa sa tunay na pagmamahalan.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: