I’m giving it my best fight – Daboy

INAMIN ni Rudy Fernandez sa bestfriend niyang si Sen. Jinggoy Estrada na hirap na hirap na siya, pero lumalaban pa rin.

“I’m giving it my best fight,” nakangiti, subali’t ngatal ang tinig na bulong niya kay Sen. Jinggoy.

“Pare, aalis muna ako (pa-abroad), anuman ang mangyari, tawagan mo agad ako,” bilin pa ng nag-aalalang kaibigan.

Isa lamang ’yan sa napakaraming emosyonal na tagpong nagaganap sa hospital room ni Daboy sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan.

Matatandaang minsan ay napasugod nang di oras sa sa nasabing ospital si Pres Joseph Estrada dahil sa medyo nataranta si Lorna nang minsang tipong balisang-balisa si Daboy.

Di nga ba’t ilan sa matatalik nakaibigan ni Daboy ay kumuha na ng extra room, malapit sa kuwarto ni Daboy para lamang makapagbantay sila ng di gaanong naguguluhan ang maysakit nilang kaibigan.

Gayun pa man, kapag medyo tahimik sa nasabing kuwarto, naninibago si Daboy. Si Lorna nga, mawala lang saglit sa paningin ni Daboy, hinahanap na niya ito.

“Mag-CR lang ako, nagmamadali pa ‘ko dahil hinahanap niya ako,” kwento ni Lorna.

Ayon kay Lorna, bale-wala ang pagod. Bahagi yon ng sinumpaan nila sa mata ng Diyos at mata ng tao nang magpakasal sila almost 25 years ago.

Malapit na ang kanilang silver wedding anniversary. Naalala namin ang kontrobersyal nilang pagpapakasal nuon.

Pasintabi, Lorna at Daboy, ewan kung tama ang memorya namin. June 1, 1983, sa isang bayan (Jaen yata) sa Nueva Ecija kayo lihim na nagpakasal sa isang nagngangalang Mayor Eduardo.

Naging kontrobersyal ’yun dahil lihim nga, pero iniskup ng kaibigang Inday Badiday sa kanyang kontrobersyal na See True o Would You Believe?

Kasama kami ni Inday nang sumugod sa nasabing bayan, pero dahil nga sa katagalan, medyo malabo na ang ilang detalye sa aming alaala.

Makalipas ang 11 years, nagpakasal uli kayo sa isang engrandeng seremonya. Tanda namin, naganap ito noong 1994 sa Villa Escudero.

Imbitado ang buong industriya, sa pangunguna nina then Vice President Joseph Estrada, Fernando Poe Jr., Dolphy at marami pang iba.

Those were the days, wika nga. Ang sarap alalahanin. Hindi naman sa nagdaragdag kami ng drama sa buhay nina Daboy at Lorna, ang sa amin ay pag-alala lang.

Ewan kung kasama ang kanilang silver anniversary sa naging paksa ng kanilang heart-to-heart talks kamakailan. Napaiyak daw si Lorna, pero ’di niya ipinakita kay Daboy.

Dahil sa napakaraming naghahangad na sa lalong madaling panahon ay malunasan ang karamdaman ni Daboy, pumili kami ng isa sa napakaraming e-mail na aming natatanggap matapos lumabas dito sa Tonight ang aming isinulat.

Narito ang e-mail ni Ging Lao: “Sometime in Sept. 2007, I read something about William Pulido, who was also stricken by cancer until he was introduced to the alternative medicine of Mang Pablo Agustin of Tarlac.

“For 40 years, Mang Pablo had made researches until he found out that onion extracts can be useful in treating cancer. The herb’s cure is now widely known as PDA.

“Why not introduce PDA to Rudy Fernandez? I think we shouldn’t lose hope until all remedies are tried. I have much faith in Mang Pablo’s PDA.

“If this alternative medicine has already cured many people, some of whom had already been given a few years to live yet survived and were cured, why not Mr. Fernandez?

“This is just a suggestion. The choice will still lay in the hands of his immediate family. But then, we hope and pray Mr. Fernandez will survive this illness. God have mercy.”

Isa lamang ito sa mga reaksyon na natatanggap namin via e-mail. Patunay na napakaraming nilalang ang naghahangad na humaba pa ang buhay ng isang taong napakahalagang bahagi ng industriya.

“Nagpapasalamat ako each day sa mga nagmamahal sa asawa ko. Alam ni Rudy ang concern ng mga tao. Kaya, lalong lumalakas ang loob niya,” ani Lorna.

MAR D’ GUZMAN CRUZ
People’s Tonight

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: