Bits: Lea muntik layasan si Sharon?

Lea Salonga, muntik layasan si Sharon?

Muntik na palang layasan ni Lea Salonga si Megastar Sharon Cuneta nang minsang mag-guest siya sa show ni Mega. On time daw kasi si Lea sa taping ng Sharon ni Mega. Pero ang siste, na-late daw ng dating si Ate Shawie kaya itinuloy pa rin ang taping ng show kahit walang interview si Sharon with Lea. Almost 9:00 p.m. na raw nakarating si Sharon sa taping at halos paalis na si Lea. Pero nahagip pa rin naman daw ni Ate Shawie ang international singer sa dressing room.

***

MTRCB at OMB nagsanib

Nakikapit-bisig na ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Optical Media Board (OMB) sa paglaban sa child pornography.

“Obligasyon namin na pangalagaan ang mga kabataan at tiyakin na hindi sila maaabuso,” sabi ni MTRCB Chairwoman Consoliza Laguardia sa isang pana yam.

Lumulubha na ang paglipana ng mga child pornographic videos kaya nagpahayag na si Laguardia ng ganap na suporta sa OMB na pinamumunuan ni Edu Manzano.

Layunin ng MTRCB sa pakikipagtulungan sa OMB ang matiyak na magagamit ang mga kaukulang batas laban sa child phornographic materials.

Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: