‘Ang mga ingrato, ’di nagtatagumpay!’

ANG isa pang mainit na pinag-uusapan ay ang paglipat ng istasyon ng international celebrity kuno na si Billy Crawford.

Ayon sa nakuha naming impormasyon, darating si Billy sa isang linggo para tuparin ang kontratang pinirmahan sa Kapamilya network.

Hindi masisisi si Kuya Germs (German Moreno, mentor ni Billy) kung magalit nang todo sa dating anak-anakan.

Biro mo nga naman, mukha niya ang nakataya sa GMA-7 nang ipagpilitang bigyan ng programang Move nu’ng isang taon.

Binigyan ng pag-asa ng programa ang mga nanalong dancer at pinaasa ni Billy na bibigyan ng pagkakataong makarating sa ibang bansa.

Bago umalis si Billy papuntang Amerika, alam niyang may inihahandang show ang Siyete para sa kanya. Maski nu’ng naroon siya sa Amerika, nakipag-communicate pa siya through e-mail sa isang GMA executive para sa preparasyon ng bagong programa.

Kaya, nagulat na lang si Kuya Germs sa pagpirma nito sa Dos. Depensa naman ni Billy, wala siyang pinirmahang kontrata sa GMA-7.

Hanggang sa last concert niya, kung saan wala umanong pumasok na advertisers, ang nananahimik na dati niyang manager, si Raul Laurente, sa tulong ni Kuya Germs, ang gumawa ng paraan na matuloy ang concert.

Titulo umano ng mga property ni Raul ang iprenenda sa bangko para lamang makapag-loan ng karagdagang pera na kailangan sa production cost.

Hanggang ngayon, ayon sa isang source, hindi pa nakababawi si Raul.

Naalala rin ni Kuya Germs ang panahong hiningan siya ni Billy ng $4,000 para makabili ng isang machine na related sa musika. Hindi nga lang daw alam ni Kuya Germs kung nakabili nga ang singer.

Kamakailan lamang, tinawagan daw si Kuya Germs ng nanay ni Billy para makiusap na huwag nang magalit sa anak niya. Kailangan lang daw nitong magtrabaho para may makain sila.

Pero ani Kuya Germs, okay lang sana kung walang trabahong ibinigay ang GMA-7, eh. Siya pa mismo ang magdadala kay Billy sa kalabang istasyon para ipakiusap na bigyan ng trabaho.

Sa ngayon, walang balak kausapin ni Kuya Germs si Billy pagdating niya ng ’Pinas. Ang mga ingrato raw, hindi nagtatagumpay!

ERIC MORALES
Journal Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: