Director Joey Reyes promises a “momentous Valentine movie” for Richard and KC

Director Joey Reyes promises a

“Sino ba ang hindi nae-excite lalo pa’t makakatrabaho mo ang dalawa sa pinaka-sikat, magaganda, guwapo, mababait, at matatalinong mga batang artista ngayon?” says director Joey Reyes (right) about his upcoming movie with KC COncepcion and Richard Gutierrez.

Equally excited ang direktor na si Jose Javier Reyes sa pagsasama sa pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion para sa Valentine 2009 offering ng GMA Films at Regal Entertainment.

Kaninang tanghali, May 22, ay nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataong makatuntong sa unang pagkakataon sa bakuran ng GMA-7 si KC, habang si Direk Joey naman ay magdidirek ng kanyang ikalawang pelikula para sa GMA Films, after My Monster Mom.

Sa contract signing na naganap sa Executive Board Room sa 16th floor ng GMA Network, very warm ang welcome na ibinigay ng top executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar, Joey Abacan, at Noel Ferrer kay KC at sa managers niyang sina Shirley Kuan at Sandra Chavez, at pati na rin kay Direk Joey.

MOMENTOUS MOVIE. Bukod sa pagiging direktor ng pelikula nina Rochard at KC na may working title na When I Met You, si Direk Joey rin ang sumulat ng script nito. Ang title ng pelikula ay hango mula sa awitin ng APO Hiking Society.

Ipinangako ni Direk Joey na gagawin niyang “momentous Valentine movie” ang When I Met You para sa lahat.

“It has always been my dream to work with GMA Films, its artists and the people,” pahayag ng direktor. “Kaya nga nang una nila akong alukin last year pa for a possible movie project, agad akong nagbigay ng oo sa kanila. And now that is happening, sino ba ang hindi nae-excite lalo pa’t makakatrabaho mo ang dalawa sa pinaka-sikat, magaganda, guwapo, mababait, at matatalinong mga batang artista ngayon?”

Mga anak-anakan kung ituring ni Direk Joey sina Richard at KC, lalo na ang huli na talaga raw nasundan niya ang paglaki dahil sa pagiging kaibigan nito sa kanyang ina na si Sharon Cuneta.

“I have known them since they were small,” sambit ni Direk Joey patungkol kina Richard at KC. “Even when she was in Paris, we chat via the net and talked about possible movie team-up at iba pang mga bagay. Ganyan ako ka-close sa batang ‘yan.

“Si Richard naman, super bagets pa ‘yan with his twin brother [Raymond Gutierrez] ay nakikita ko na. Kaya nga I really feel old yet feel so young dahil dito. I feel old dahil, heto nga, dati mga babies pa sila na nakikita ko lang. Then, now, gagawan ko na ng movie na may romansa, kilig at hay…” ang masayang lahad ng direktor.

Sa September 2008 pa raw nila nakatakdang umpisahan ang proyekto, immediately after na maipalabas ang unang pagtatambal nina KC at Richard under Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

“Hindi muna ako magbibigay ng detalye tungkol sa synopsis o konsepto ng kuwento,” pambibitin ni Direk Joey. “Basta ang masasabi ko lang, excited akong bumalik sa genre [romantic movies] kung saan talaga ako nakilala. At dahil Valentine movie ito, this is going to be very dangerous lalo na sa may mga diabetes!” tawa niya.

Sinabi rin ni Direk Joey na inalok din siya ng Star Cinema para sa pagsasama nina KC at Richard. “Pero ayaw ko naman maging suwapang,” aniya. “GMA Films first offered me and believed my idea, kaya I have given them my word. Siyempre kung sino naman yung nauna, dun ako.”

FUTURE PROJECTS. Kasalukuyang tinatapos ni Direk Joey ang My Monster Mom, na joint venture ng GMA Films at Regal, starring Ruffa Gutierrez and Annabelle Rama. Kaya nga nasabi ng direktor na nakatrabaho na niya ang karamihan sa mga miyembro ng Gutierrez family.

Soon ay uumpisahan na rin ni Direk Joey ang Civil Status: Single with Rufa Mae Quinto. May balita ring muli silang magsasama-sama para sa isang importanteng pelikula nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Hanggang ngayon din ay naghihintay si Direk Joey sa opisyal na pagsisimula ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN, kung saan muli siyang uupo as one of the resident judges.

Umaasa rin ang direktor na magkakaroon pa siya ng ibang movie projects with GMA Films dahil he wishes to work with the likes of Iza Calzado and Dennis Trillo, at makatrabahong muli ang mga gaya nina Rhian Ramos at JC de Vera.

Nang itanong ng PEP kay Direk Joey kung healthy ba ang paggawa niya ng pelikula sa GMA Films bagama’t mas una siyang na-identify sa Kapamilya Network, ito ang tugon niya: “Of course. It will help me grow as a director. Kumbaga sa pagkain, hindi naman puro kare-kare na lang ang dapat na kainin. Paminsan naman, mag-adobo ka.”

AMBET NABUS
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: