John Lapus hires another manager, but stays with Star Magic

John Lapus hires another manager, but stays with Star Magic

“In fairness to GMA, hindi naman nila ako pinagsabihan na umalis sa Star Magic or kumuha ng ibang manager. It was my own decision kasi magaling daw si Ricky sabi ni Eugene, at lalong hindi naman ako pinapaalis ng Star Magic. Kapamilya pa rin ang turing nila sa akin kahit proud Kapuso na ako.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-comedian na si John “Sweet” Lapus kahapon, May 4, sa studio ng Showbiz Central sa Broadway Centrum. Tinanong namin sa kanya ang lumabas na balita na alaga na rin siya ng talent manager at kolumnistang si Ricky Gallardo. Si Ricky ang manager nina Eugene Domingo, Sid Lucero, Angel Aquino, at Ian Veneracion.

Kinumpirma naman ni Sweet ang naturang balita.

Sa pagkuha ni Sweet kay Ricky bilang manager, ibig bang sabihin nito ay wala na siya sa poder ng Star Magic ng ABS-CBN? Madami rin kasi ang nagtataka kung bakit kahit nasa GMA-7 na siya ng halos dalawang taon ay ang Star Magic pa rin ang nagma-manage ng career niya.

“Oh no, I got Ricky as another manager other than Star Magic. The more the merrier,” paglilinaw ni Sweet.

Ayon sa Showbiz Central co-host, malaki raw ang utang na loob niya sa Star Magic kaya wala siyang balak iwan ito kahit walang kontrata. Kinuha lang daw niya ang management ni Ricky para maging convenient sa lahat ng tao.

“I got Ricky to handle my dealings with GMA at kung may pumasok man sa kanyang mga projects, like corporate events and commercials,” paliwanag ni Sweet.

Alam din naman daw ng Star Magic ang desisyon niyang ito.

“In fairness to GMA, hindi naman nila ako pinagsabihan na umalis sa Star Magic or kumuha ng ibang manager. It was my own decision kasi magaling daw si Ricky sabi ni Eugene, at lalong hindi naman ako pinapaalis ng Star Magic. Kapamilya pa rin ang turing nila sa akin kahit proud Kapuso na ako. Nakaka-touch!” sambit ni Sweet.

Dagdag ni Sweet, hindi in daw niya basta-basta maiwan ang Star Magic dahil may mga bookings pa siya na pumasok sa management arm ng ABS-CBN until December 2008. Halos lahat daw ng mga staff ng Star Magic ay kaibigan niya at napamahal na rin sa kanya.

NOT GOING BACK TO ABS-CBN. Marami rin kasi ang nagtataka na kahit pumirma na ang “Don’t Lie To Me” segment host ng kontrata sa GMA-7 ay Star Magic pa rin ang nagha-handle ng career niya. May posibilidad daw kasi na bumalik siya ulit sa dating network. Alam din kasi ng karamihan sa industriya na very close si Sweet sa ilang top executives ng ABS-CBN.

“Prangkahan na, wala akong balak bumalik sa ABS in the near future,” sabi ni Sweet. “Fifteen years na ako sa showbiz and 13 and a half years of it in ABS. Natural na madami akong kaibigan doon. I’m looking forward for another 15 years with my new home [GMA-7].”

Ayon pa kay Sweet, marami rin daw plano ang bago niyang manager sa kanyang namamayagpag na career sa GMA-7 kaya mas mabuti lang na hindi taga-Star Magic ang kumausap sa Kapuso network regarding his future TV career.

“Mas magiging maganda ang usapan siyempre. Ricky is a neutral manager. Mas magiging kumportable ang GMA pag siya ang kausap,” pahayag ni Sweet.

Nakatakda rin daw ulit pumirma si Sweet ng kontrata sa Kapuso network this month. Nag-expire na pala ang kontrata niya sa Showbiz Central nang mag-one year ang show last week at si Ricky na nga raw ang mag-aayos nito.

Si Ricky na rin ang nakikipag-usap sa GMA-7 tungkol sa kanyang pangalawang show sa Kapuso network, ang Kim Sam Soon.

“Madali din for the show kasi dalawa kaming cast ni Eugene na alaga din ni Ricky. Mas madali ang coordination,” paliwanag ni Sweet, na gaganap na Marcus sa telenovelang pagbibidahan ni Regine Velasquez.

Nakatakdang mag-first taping day si Sweet para sa Kim Sam Soon sa Miyerkules, May 7.

SWEETILICIOUS. Hindi naman namin maiwasang intrigahin ang TV host-comedian tungkol sa nalalapit niyang 15th anniversary show sa Music Museum on May 31, ang Sweetilicious. Invited ba ang mga kaibigan niya na taga-ABS-CBN?

“Oo naman!” mabilis niyang sagot. “Kaya nga lang, media partner ng show ko ang GMA. So invited din ang mga taga-GMA. Mag-isnaban na lang sila doon basta pumunta sila. At nagbilihan na ng tickets ang mga kaibigan ko doon when they found out na guest ko si Dingdong Dantes!” natatawang biro ni Sweet.

Maliban kay Dingdong, nalaman ng PEP na dalawang Kapuso stars pa ang guest niya sa Sweetilicious—sina Jay-R at Janno Gibbs.

Pero mukhang close pa rin talaga si Sweet sa kanyang mga kaibigan sa ABS-CBN. Sa katunayan, isa siya sa guest sa concert ng grupong Coverboys sa Music Museum on May 9 and 10 na produced ng ASAP Live ng ABS-CBN.

“Ayoko matawag na ingrata!” bulalas niya. “In-invite ako to guest nang maayos. Walang masama. Live show naman ‘yon at hindi TV show.”

ERWIN SANTIAGO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: