Gabby Concepcion’s manager files P10M libel suit against columnist Jobert Sucaldito

Gabby Concepcion's manager files P10M libel suit against columnist Jobert Sucaldito

“Kailangang maituwid sa tama ang mga isinulat niya [Jobert]. May ilang business kasi ako na naapektuhan dahil sa mga isinulat niya. Hindi maganda na sinabi niyang si Mommy Rose, mukhang pera,” says Mommy Rose Flaminiano, movie producer and current business manager of Gabby Concepcion, about showbiz writer and broadcaster Jobert Sucaldito.

Nagtungo kaninang tanghali, May 5, sa Hall of Justice ng Tarlac City ang talent manager na si Rose Flaminiano upang mag-file ng reklamo laban sa kolumnista at radio announcer na si Jobert Sucaldito.

Residente umano ng Tarlac City si Mommy Rose kaya doon siya nagsampa ng kaso laban kay Jobert.

Ayon sa talent manager ni Gabby Concepcion, masakit daw kasi ang mga isinulat ni Jobert laban sa kanya sa isang radio show at ilang pahayagan.

“Kailangang maituwid sa tama ang mga isinulat niya [Jobert]. May ilang business kasi ako na naapektuhan dahil sa mga isinulat niya. Hindi maganda na sinabi niyang si Mommy Rose, mukhang pera,” pahayag ng talent manager.

Nauna nang nag-file ng kaso si Jobert laban kay Mommy Rose noong isang linggo. Kahit nauna raw si Jobert, talagang nasa plano na raw na magsampa ng kaso ni Mommy Rose laban sa kanya.

“Ganito kasi yan, sinasabi niya [Jobert] dapat daw ay um-oo ako sa inilalapit niyang produkto, yung Met [Methatione]. E, hindi ko naman nakikita yung advertiser niya. P2.5 million yun. Yung sa isa naman na Lucida Gluthatione, P5 million ang alok kay Gabby. At nakikita ko yung advertiser. Bilang isang talent manager, siyempre dun ako sa sigurado na,” pahayag ni Mommy Rose.

“Hindi ko alam kung ano ang nawala sa kanya at gigil na gigil siya sa hindi natuloy na kontrata.”

Klinaro rin ni Mommy Rose na wala silang relasyon ni Jobert na dapat protektahan.

“Hindi kami magkaibigan ni Jobert. Ang kaibigan ko, si Cristy Fermin at sina Boy Abunda. Kasi kung magkaibigan kami, sana maayos ang pakikitungo niya sa akin.”

Ayon sa kabiyak ni Mommy Rose na si Atty. Ed Flaminiano, isang malaking paninirang-puri daw ang ginawa ni Jobert.

“Alam mo, si Mommy Rose, isang movie producer at subdivision developer ‘yan. Hindi maganda na pinararatangan siya ng masasama dahil sa maaapektuhan ang kanyang reputasyon bilang isang businesswoman,” ayon sa abogado. “Siya rin ang magde-decide kung magkano ang ika-kaso niya laban kay Jobert.”

“Ten Million [pesos],” sambit ni Mommy Rose kung magkano ang danyos ng libel case na isasampa niya.

Hindi rin daw papayag si Mommy Rose na ayusin ang kasong ito sa labas ng korte.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maabot si Jobert para sa kanyang panig ng kaso.

Ayon kay Mommy Rose, nakatakda ring mag-file ng reklamo si Gabby Concepcion sa San Juan laban kay Jobert.

NOEL ORSAL
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: