Dingdong-Marian movie is reportedly giving way to Richard-KC movie for the August playdate

Dingdong-Marian movie is reportedly giving way to Richard-KC movie for the August playdate

It cannot be denied that Richard Gutierrez (left) and Dingdong Dantes (right) are now GMA-7’s top leading men.

Dahil sa biglang pagpasok ng pelikulang unang pagtatambalan nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa bakuran ng Star Cinema—the first ex-deal between GMA Films and ABS-CBN’s film arm—na-move naman first movie team-up sana nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kung saan kasama rin nila si Iza Calzado.

Mula sa isang insider sa GMA Films, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na totoo raw na ang original playdate sana ng movie nina Dingdong, Marian, at Iza may tentative title na Amnesia ay sa August of this year.

Ayon pa sa aming source, nang i-announce ang mga naka-lineup na pelikula ng GMA Films this year, August ang sinabing playdate ng Amnesia dahil magandang regalo raw ito para sa tatlong bida. Nagkataon kasing August celebrants silang lahat. Si Dingdong ay August 2 ang birthday habang sina Marian and Iza naman ay parehong sa August 12.

Obviously, hindi na matutuloy na sa August ipalabas ang Amnesia, na supposed to be ay ngayong May sana ang simula ng shooting. Pero na-move na raw ito sa June.

Instead na August, malamang daw na by September na ang showing nito to give way to the Richard-KC movie na solong ipo-produce ng Star Cinema, contrary sa ilang naglalabasang reports na co-produced ito ng Star Cinema at GMA Films. Iba naman daw kasi ang ex-deal na ang GMA Films ang magiging solong producer ng isa pang Richard-KC movie na malamang na ipalabas early next year.

Mukhang sa mga pangyayari, kahit parehong sinasabi nina Richard at Dingdong sa mga interview nila na hindi sila naaapektuhan at wala silang problema, hindi maiiwasan ang tapatan nila at maintriga sila sa isa’t isa. Walang duda na sa bakuran ng Kapuso network, silang dalawa ang itinuturing na most important lead actors at pareho ring may guaranteed contracts sa GMA-7.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: