Cristine Reyes excited about her first project with ABS-CBN

Cristine Reyes excited about her first project with ABS-CBN

“So hopefully, worth it lahat yun. Hindi ko sinasabing matabunan yung kabila or ma-upstage. Basta po sa akin, ang importante magustuhan nila yung gagawin natin. Kasi yun ang pinagmitingan namin. Hindi namin pinagmitingan yung matalo yung kabila,” says Cristine Reyes about Eva Fonda, 16.

Nagsimula nang mag-taping si Cristine Reyes last Friday, May 2, para sa pinakahihintay niya na proyekto sa ABS-CBN, ang TV remake ng Eva Fonda, 16 na pagbibidahan niya.

In preparation for the role, aside from acting, kinailangan ni Cristine na magpahaba ulit ng buhok and the fastest way to do it ay ang magpa-hair extension.

Kasama rin sa cast ng Eva Fonda,16 sina Jason Abalos, Joross Gamboa, Princess Ryan, Jean Saburit, Janna Garcia, at Baron Geisler. Sina Jon Reid at Frasco Mortiz ang mga direktor ni Cristine.

Nung meeting pa lang daw nila ay napalagay na agad ang loob ni Cristine sa buong cast.

“Nawala yung kaba ko kasi naging close na kaming lahat, e,” bungad ni Cristine sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). “Naglolokohan na kasi kaming lahat nung meeting. Tinanong ko sila kung excited na ba sila. Sabi nila, oo. Sabi ko, ‘Yehey! Ako rin, excited na ako.’ Si Janna naging ka-close ko agad.”

Ano ang feeling niya ngayong nagte-taping na siya ng first ever teleserye niya sa ABS-CBN?

“Sobra!” bulalas ng young actress. “Sobrang tagal. Last year pa. So hopefully, worth it lahat yun. Hindi ko sinasabing matabunan yung kabila or ma-upstage. Basta po sa akin, ang importante magustuhan nila yung gagawin natin. Kasi yun ang pinagmitingan namin. Hindi namin pinagmitingan yung matalo yung kabila.

“Ang pinagmitingan namin… Kasi lahat kami first time, pati si Direk Jon first time din. Wala pa kaming oras. Pinagmitingan namin just do your work. Tapos huwag ninyong isipin na dahil commercial ito na matatalo. Isipin ninyo yung work ninyo. Huwag ninyong problemahin ang problema ng ABS-CBN.

“So, doon ako naging kampante. Kasi, di ba, usually ‘pag bida, [nasa] shoulder mo ‘yan? Show mo ‘yan. So yun yung worry ko. Nilabas ko yung mga worry. Lahat yun nawala. Tapos sabi nila, ‘Cristine, you’re not alone,’ ganyan-ganyan. Kami, off-cam kami, pero [nasa] shoulder din namin yung show. Sabi ko, ‘Thank you, Direk,’” pahayag ng young actress.

Definitely, may kissing scene at love scenes daw si Cristine sa Eva Fonda, 16. Ang target date ng airing ng show nila ay sa May 19.

Dahil busy na si Cristine sa bago niyang show, asahan na mas dadalang ang paglabas niya sa Wowowee, na hinu-host ng nali-link sa kanya na si Willie Revillame.

“Actually, matagal na akong di lumalabas sa Wowowee,” sabi ni Cristine. “Kasi sabi ng management, para magkaroon ng mystery, huwag na lang daw muna akong lumabas kahit saan.”

“INGAT.” Ano naman ang masasabi niya sa mensahe sa kanya ni Carlene Aguilar nang mag-guest siya sa The Buzz na “mag-ingat” si Cristine at ang nababalitang karelasyon niya ngayon na Dennis Trillo? Si Dennis ang ama ng anak ni Carlene na si Calix Andreas.

“Oo, siyempre naman. Ingat talaga,” maikling sagot ni Cristine.

Ano ang dating sa kanya ng mensahe ni Carlene?

“Okey lang,” sambit niya. “I mean, wala naman sigurong masama doon. I mean, siguro mini-mean naman talaga or something. Hindi naman ako nagsasabi ng sarcastic or whatever. Okey naman kami ni Carlene sa tingin ko.”

Sila ni Dennis, okay rin ba?

“Okey lang din,” matipid niyang sagot.

Nagdi-date pa rin ba sila ni Dennis?

“Hindi na, e. After nung last incident na nagkita-kita kami nina Carlene sa mall.”

Bakit?

“E, siguro busy na ako. Busy na rin siya.”

What about Willie? Nagkikita or nagkakausap pa rin ba sila?

“Hindi na rin,” malumanay niyang tugon. “Kasi ano, e, sobrang excited na ako sa project ko. Sabi ko, ayoko nang matsimis kahit kanino. Hindi ko naman sinasabi na nagmamataas ako. Iba na ako ngayon. Ano lang sa akin, concentrate na lang muna sa project. Tama na muna yung mga boys. Gusto ko nang magtrabaho, yun lang, as in.”

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: