“SOP” gives Judy Ann Santos a special birthday presentation

Judy Ann Santos celebrated her 30th birthday on SOP yesterday afternoon, May 4.

Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung gaano ka-espesyal ang birthday celebration at treatment na ibinigay ng GMA-7 sa Kapamilya star na si Judy Ann Santos nang mag-celebrate ang aktres ng kanyang 30th birthday sa Sunday variety show na SOP kahapon, May 4.

Ilang gaps ang inilaan para lang sa birthday special ni Juday, bukod pa rito ang OJ segment na dedicated din sa aktres.

Bukod sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, talagang nasorpresa si Juday sa pagdating ng matalik na kaibigan na si Sharon Cuneta sa kanyang birthday presentation sa SOP. Walang kaide-ideya si Juday na nagawang imbitahan ng SOP ang Megastar upang batiin siya nang personal.

Sobrang na-appreciate daw ni Juday ang effort ng Megastar na batiin siya nang personal sa kanyang birthday, lalo pa’t kararating lang ni Sharon mula sa London para sa shooting ng Caregiver mula sa Star Cinema.

Just to prove na super special talaga ang treatment ng GMA-7 kay Juday, dahil crowded na mula pa lang sa main hosts at ibang co-hosts ng programa ang mga dressing room sa GMA Network, nag-set-up ng isang air-conditioned tent para maging dressing room ni Juday-as in, solo ng aktres ang isinet-up na dressing room.

Siyempre pa, very happy and thankful naman si Juday sa ipinapakitang pagpapahalaga sa kanya ng Kapuso network, na nagsimula sa ibinigay na suporta sa kanya at sa pelikula niyang Ploning.

Tinanong namin ang isang malapit kay Juday kung kailan naman ang magiging 30th birthday celebration ng aktres sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP ‘08. Mariin ang naging tugon ng source na ito na wala raw mangyayaring birthday celebration si Juday sa ASAP ‘08.

Ayon pa sa source, kung tutuusin nga raw ay mas nauna pang mag-offer ang naturang Sunday musical variety show ng ABS-CBN ng birthday special for Juday, pero ang aktres daw mismo ang pumili at nagdesisyon na ang offer ng SOP ang tanggapin.

Sa May 11 ang actual birthday ni Juday. Pero hindi muna raw matutuloy ngayong Mayo ang plano niyang magbakasyon sa ibang bansa dahil kailangan pa niyang mag-taping, even for two weeks episode, ng teleserye nila ni Derek Ramsay sa ABS-CBN. But from the same PEP source, nalaman namin na may plano na ang aktres at ang kanyang boyfriend na si Ryan Agoncillo na mag-spend ng kanyang birthday out-of-town.

ROSE GARCIA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: