Nadine Samonte gets the role of Hannah in “Kim Sam Soon”

Nadine Samonte gets the role of Hannah in

Young actress Nadine Samonte was chosen by GMA-7 and the creative team to play the role of Hannah in the Pinoy version of the hit Koreanovela Kim Sam Soon.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Regine Velasquez ay sina Mark Anthony Fernandez, Wendell Ramos, at Dr. Hayden Kho, Jr. pa lang ang alam niya na siguradong kasama sa gagawin niyang teleserye sa GMA-7, ang Kim Sam Soon.

Aprubado sa Asia’s Songbird si Mark Anthony as her leading man. Ani Regine, “He’s supposed to be younger.” Ganun din sina Wendell as her ex-boyfriend at si Dr. Hayden sa role ng doctor, na na-in love kay Hannah, portrayed by Korean-American actor Daniel Henney in the original Koreanovela Kim Sam Soon.

Kung sino ang gaganap sa role ni Hannah ay hindi pa alam ni Regine. Kaya ang PEP na ang magbabalita sa kanya na si Nadine Samonte ang napili ng GMA-7 at creative team ng local version ng Kim Sam Soon to play the role of the ex-girlfriend of Cyrus na umalis for the States dahil nagkasakit.

Sabi ng kausap ng PEP, perfect si Nadine sa role ni Hannah. Gaya ng Korean actress na si Jeong Ryeo-won na gumanap na ex-girlfriend ni Cyrus, sweet and pretty rin si Nadine at babagay siya kina Mark Anthony at Dr. Hayden.

Incidentally, nagkasama na sina Nadine at Dr. Hayden sa Marimar. Kahit wala silang masyadong eksena sa naturang soap opera, naging maganda pa rin ang working relationship nila. Naalala ng PEP na sa Christmas party ng Marimar, sila ang madalas magkausap kaya hindi na nila kailangang kilalanin pa ang isa’t isa.

Ang Kim Sam Soon ang susunod na gagawin ni Nadine after Maging Akin Ka Lamang na malapit nang magtapos. Ito rin ang magpapabalik sa young actress sa primetime slot ng GMA-7. Hindi na siguro siya magtatanong kung ano ang next project niya dahil heto na nga ang Kim Sam Soon at makakasama pa niya si Regine.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

2 Comments »

  1. 1
    kashicke Says:

    pwede narin,kaya lang nakakapanghinayang si nadine kc lagi nlang syang support sa primetime,i hope that GMA will give her break ung magshishine sya kc s supertwins di maganda ung role nya,she’s a good actress n beautiful,she is better than marian rivera…napanood ko ung auditon ng marimar mas bagay si nadine as thalia role kaya lang sa dance lang sya natalo,un lang po!!GMA pls… lang bigyan nyo po ng magandang role s primetime c nadine para naman sumikat sya,magaling sya dun sa Mahawi n MAging akin ka lamang,,,Ung full house she can play the role of jenny….

  2. 2
    kashicke Says:

    i only watched nadine show,i find it real specially ung Maging akin ka lamang proven na talagang magaling sya n,ung face nya look like dina bonevie,Julie Vega n Donna CRuz,,nagtataka lang po ako why GMA network not give her break in prime slot,,,she is better than other GMA artist,,i thought tuloy na palakasan why she still in Panghapon drama,,,up her career…is her time to shine…


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: