Kim Chiu finds it difficult to act in front of idol Claudine Barretto

Kim Chiu finds it difficult to act in front of idol Claudine Barretto

“Nahiya po talaga ako sa kanya dun sa eksena namin na magagalit na ako sa kanya, yung duduruin ko na siya. Nahihiya akong sigawan siya, nahiya talaga ako. Kasi, di ba, idol mo ‘tapos sisigawan mo, duduruin mo, sasaktan mo?” says Kim Chiu about doing a scene with her Maligno co-star Cladine Barretto.

Kasama si Kim sa bagong horror series ng ABS-CBN na Maligno, kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang news reporter. Kasama rin ni Kim dito sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Rafael Rosell, at ang kanyang ka-love team na si Gerald Anderson.

Very open si Kim sa pagsasabing matagal na niyang idol si Claudine. Kaya naman sa una nilang pagsasama sa isang proyekto ay aminado ang young actress na hindi siya makaarte nang maayos kapag si Claudine na ang kaeksena niya.

“Nahiya po talaga ako sa kanya dun sa eksena namin na magagalit na ako sa kanya, yung duduruin ko na siya. Nahihiya akong sigawan siya, nahiya talaga ako. Kasi, di ba, idol mo ‘tapos sisigawan mo, duduruin mo, sasaktan mo? Kahit po eksena lang yun, talagang nahihiya ako sa kanya,” tila nahihiya pang lahad ni Kim sa presscon cum press preview ng Maligno kagabi, April 16, sa Studio 1 ng ABS-CBN.

Pero ayon kay Kim, pinayuhan naman daw siya ni Claudine na huwag mailang sa kanya.

“Sabi po niya sa akin, ‘Relax lang, anak. Ganyan, ganyan.’ Pero hindi pa rin ako nare-relax. Nakakalimutan ko pa rin yung mga linya ko, lahat. Pati pag-iyak ko, hindi ko na magawa.

“Sabi pa ni Ate Claudine sa akin, ‘Alam ko magaling ka. Alam ko marami ka pang ilalabas. Huwag kang mahiya sa akin.’ Sabi ko, ‘Nahihiya po kasi ako. Kasi po ang galing-galing ninyo. Kanina pa kayo umiiyak. Ako, hindi ko magawa.’ Sabi niya, ‘Huwag mong isipin na ako si Claudine. Isipin mo lang na ako yung pumatay sa nanay mo. Huwag kang mahiya na saktan ako. ‘Tapos nakailang takes, apat o lima yata,” kuwento ni Kim.

Naniniwala ba si Kim na totoong may maligno?

“Opo, natatakot nga po ako ‘pag ako lang mag-isa. Kasi baka may tumabi po sa akin na something,” nakakatuwang sagot ng winner ng unang Pinoy Big Brother Teen Edition.

Pero bakit tinanggap niya ang Maligno?

“Gusto ko po kasing tumanggap ng challenging role, yung kakaiba naman. Hindi yung pa-cute lang na lagi kong ginagawa sa screen. Bale first mature role ko nga po itong sa Maligno,” sagot ni Kim.

“GERALD IS NOT MY BOYFRIEND.” Kapag tinatanong naman si Kim kung boyfriend na niya ang ka-loveteam niyang si Gerald Anderson, ang lagi niyang sinasagot ay magkaibigan lang sila. Pero marami ang nagsasabi na may namumuo nang relasyon sa pagitan nila at inililihim lang daw nila ito.

“Ay hindi, wala po kaming inililihim ni Gerald. Kasi magkaibigan lang naman po talaga kami,” giit ni Kim.

Dagdag pa ng dalaga, kung sakaling maging boyfriend niya si Gerald ay hindi nila ito ililihim.

“Aaminin po namin ito sa lahat para naman po matuwa din yung mga fans,” sabi niya.

Nung hindi pa artista si Kim ay nagka-boyfriend na siya. Sa tingin kaya ni Kim ay si Gerald na ang susunod niyang magiging boyfriend?

“Hala! Hindi po natin alam. Siguro!” sambit niya.

Ano ang pinakagusto niyang ugali ni Gerald?

“Ang gusto ko sa kanya, yung pinapasaya niya yung lahat ng mga tao. Yung pagiging matulungin niya. Kahit sino ka man, tutulungan ka niya,” sagot ni Kim.

Ano naman ang pinakaayaw niyang ugali ni Gerald, kung meron man?

“Yung sa mood swings. Parang okay ka ngayon, bukas hindi na. Mabait ka ngayon, bukas hindi na. May ganoon siya,” natatawang pagtatapos ni Kim, na magde-debut na sa April 19.

ROMMEL PLACENTE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: