Kim Chiu excited for her 18th birthday celebration

Kim Chiu excited for her 18th birthday celebration

“Hiling ko na super special, na sana magparamdam man lang sa akin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang,” says Kim Chiu about her special wish on her coming debut.

Excited na ang kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition big winner na si Kim Chiu sa kanyang bonggang 18th birthday celebration sa April 26, sa The Glass House sa Pasig City. Ang actual birthday talaga ni Kim ay sa Sabado, April 19.

Tatlong gown ang nakalinyang isusuot ni Kim na gawa ng designer na si Francis Libiran. Isa para sa grand entrance niya, isa para sa sayaw, at yung pangatlo ay para sa party. Ang kalabtim at kasamahan dati sa PBBTE na si Gerald Anderson ang escort ni Kim sa kanyang debut party.

May inihanda na bang regalo si Gerald sa kanya?

“Hindi naman mahilig sa gift ang taong yun kung walang special occasion. Ewan ko , wala siyang sinasabi. Hindi ko nga alam kung naaalala niya ang birthday ko,” may himig-tampong sagot ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Last Sunday sa ASAP ‘08, binigyan si Kim ng special 18th birthday celebration kung saan kabilang sa mga nagsayaw sa kanya ang kanyang ama.

“Opo, nagulat ako nung sumayaw siya. Kaya lang naputulan siya kasi ‘tapos na ang kanta.”

Alam daw ni Kim na darating ang papa niya sa ASAP ‘08.

“Nakakatuwa kasi yung costume a la Mano Po raw. Sabi niya, ‘Ano yung susuutin ko? Yung sumbrebro na may mahabang buhok?’ Magwi-wig daw siya. Sabi ko, ‘Huwag na, yung simple lang.’ Pero hindi ko maisip na sasayaw siya sa ASAP,” natatawang kuwento pa ng dalagang Cebuana.

WISHING FOR MAMA’S RETURN. Meron ba siyang special wish sa kanyang 18th birthday?

“Hiling ko na super special, na sana magparamdam man lang sa akin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang.”

Anong gagawin niya kapag dumating ang mama niya sa debut niya?

“E, siyempre yayakapin ko siya. ‘Tsaka ano, nakakagulat kasi ang tagal-tagal na. Nine years old pa lang ako nung iwan niya ako. Ngayon, 19 na ako. Kaya ‘ayun.”

Nami-miss din niya ang kanyang mama?

“Oo naman, syempre. Kahit sino naman nami-miss ang sariling ina.”

Magiging masaya raw si Kim kahit isang araw na mabuo ang kanyang pamilya lalo na sa kanyang birthday.

“Imposible kasi siyang mangyari, e. Kaya kung mangyayari man yun, siyempre magpapasalamat ako kay God. Sobrang swertre ko siguro sa birthday kong yun. Yun ang birthday ko na hindi ko malilimutan.”

Bakit niya nasabing imposibleng mangyari? Gaano ba kalayo ang mama niya?

“Hindi ko alam. Wala kaming alam kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya.”

Pero sigurado ba siya na buhay pa ang mama niya?

“Ewan ko. Hindi ko rin alam,” unsure na sagot ni Kim.

Baka sakaling mabasa ng kanyang mama ang artikulong ito meron ba siyang mensahe sa kanyang mama?

“Ah, kung nasaan ka man ngayon, mag-iingat ka diyan. ‘Tsaka sana okey ka.”

BIRTHDAY GIFTS. Ano naman ang birthday gift niya sa sarili?

“Nakabili na ako, e. Yung malaking aircon sa sala. Kasi ang mahal. Sabi ko sige na nga, ito na lang ang gift ko sa sarili ko. Lalo na ngayong summer kaya kailangan ng aircon.”

Suut-suot naman ni Kim ang set na gold necklace and earrings na may malalaking pearl na bigay ng Auntie Helen niya sa Cebu sa birthday presscon niya. Bukod sa mga nabanggit, meron pa ba siyang gusto sa birthday niya?

“Wish ko, sana magkaroon ako ng kotse na kulay pink. Wish ko lang po yun,” natatawang tapos ni Kim.

COMING BACK TO CEBU. Nung huling guesting niya sa The Buzz last Sunday, tinanong siya ng guest co-host ng show na si Anne Curtis tungkol sa kanyang first kiss. Ni-reveal niya na natikman niya ang kanyang first kiss not from co-star Gerarld Anderson, but from her ex-boyfriend back in Cebu.

“Si Gerald po, sa I’ve Fallen For You, kiniss niya ako. Offcam? Sa ex [boyfriend] ko lang po,” kuwento pa ni Kim.

Bahagi ng TV special ni Kim for her 18th birthday ay ang homecoming niya sa Cebu. Nakita ba niya roon ang kanyang ex-boyfriend nung nag-tape na sila roon for her TV special?

“Hindi, e. Tinawagan lang kasi kung sino yung pupunta sa school, kung sino ang available.”

Ano nga ba ang nangyari sa pag-uwi niyang muli sa Cebu?

“Ah, nung pagdating ko, pumunta kami agad doon sa store [tindahan ng lola niya]. Pinakita yung sinasakyan ko, kung anong number ng jeep papunta doon. ‘Tsaka ano, kung saan ako lagi naglalakad, sa may school. Ano ang ginagawa namin ng mga classmates ko,” kuwento pa ni Kim sa kung ano ang mga kinunan para sa kanyang TV special.

“Pagkatapos ng klase nagba-basketball kami lagi ng mga classmates ko, ‘ayun. Marami, maraming-marami,” tukoy ni Kim tungkol sa kanyang fun memories nung nag-aaral pa siya noon sa Cebu before PBBTE happened. “Na-miss ko nga ang Cebu. Ang dami nang nagbago. May mga stores na sa Fuente. Nawala na yung dating kinakainan namin ng mga kaklase ko.”

PREVENTING PREGNANCY. Sa edad ni Kim ngayon, may mga kabataan nang nabubuntis. Ano ang gagawin niya kapag nangyari sa kanya ang ganun? Ano ang gagawin niya para hindi siya mabuntis agad tulad ng iba?

“Ah, unang-una, nasa isip ko na yun. Ang dami ko nang napapanood sa TV ngayon na nabubuntis. Pero ako, ayoko. Priority ko kasi ang pamilya ko.

“Kung mabuntis ako mawawalan na kami ng kabuhayan. Kasi itong showbiz lang talaga yung kinakapitan namin. Ako kasi yung breadwinner ng pamilya ko. Kapag nabuntis ako siyempre wala na. Wala nang career, wala na lahat. Saan na mapupunta ang mga kapatid ko?

“Kaya yung love life, huwag muna yun. Darating naman yung time na magkaka-baby. Magpapakasal muna, ganyan.”

WHAT TO EXPECT ON HER DEBUT PARTY. Ano naman ang magaganap sa kanyang debut on April 26?

“Ito ang unang-unang modern debut na gagawin. Hindi na siya old style na debut na may 18 roses. Naka-gown kami pero nakausot kami ng rubber shoes.”

Si Kim daw mismo ang gumawa ng listahan ng mga iimbitahin. Siya ang namili kung sino ang kanyang iimbitahin. Pati ba sa cotillion ay siya rin ang namili na makakasama?

“Ako rin po. Sina Olyn [Meimban], sina Brenda [Fox], si Cathy Gonzaga, si Regine [Angeles], si Wendy [Valdez)], si Carla [Humphries], si Melissa [Ricks], si Erich [Gonzales], marami sila. Sa mga lalaki naman sina Jason [Abalos], si Rodjun [Cruz], mga PBB na kasamahan ko, marami. Ano, nakaka-touch nga kasi ginagawa nila ‘yon for the love lang.”

What about her friends sa Cebu?

“Yung iba darating, yung iba hindi,” pagtatapos ni Kim.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: