Boy Abunda talks about Cristy Fermin’s absence on “The Buzz”

Boy Abunda talks about Cristy Fermin's absence on

“Marami na kaming pinagdaanan ni Cristinelli sa buhay. Hindi naapektuhan ang aming pagiging magkaibigan, and certainly not this one,” says Boy Abunda about Cristy Fermin (inset).

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang non-appearance ni Cristy Fermin sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz last Sunday, April 13. Tuloy, marami ang lumabas na espekulasyon na nag-resign na si Cristy sa show dahil sa insidenteng nangyari noong April 6 episode nila.

Sa naturang episode ay guest nila si Annabelle Rama at pinag-usapan ang tungkol sa naipanalong libel case nito laban kay Cristy. May mga binitawang salita si Annabelle patungkol kay Cristy, na sa pakiramdam ng iba ay tila hindi tama dahil co-host ng naturang programa ang pinariringgan ng kanilang guest.

Nagkataon naman na nagpaunlak ng interview after the show ang co-host ni Cristy sa show na si Boy Abunda, na siyang nag-interview kay Annabelle the previous week. More or less, posibleng may idea si Boy kung bakit wala that afternoon si Cristy.

“Ay, hindi ako puwedeng sumagot,” pag-iwas ni Boy nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa pananaw ni Boy, dapat manggaling ang official statement sa pagkawala ni Cristy sa show mula mismo sa executives ng The Buzz.

Pero sa tingin ba ni Boy ay may kinalaman sa naganap na interview niya kay Annabelle ang pagkawala ni Cristy sa The Buzz last Sunday?

“May kinalaman sa naganap last week,” pag-amin niya. “But I’m not in the position to explain. You can probably ask Cristinelli [tawag ni Boy kay Cristy].”

Pero tiniyak naman ni Boy na hindi maaapektuhan ang matagal na pagkakaibigan nila ni Cristy dahil sa kanilang trabaho.

“Marami na kaming pinagdaanan ni Cristinelli sa buhay. Hindi naapektuhan ang aming pagiging magkaibigan, and certainly not this one. Sana masabi ko ang ilang detalye, pero hindi ako at liberty to say them, itong mga detalye. Pero hindi, hindi ito makakaapekto sa amin ni Cristy at nagsasalita ako ng patapos,” giit ni Boy.

Sinabi rin ni Boy na nakapag-usap na sila ni Cristy, pero ayaw niyang idetalye ang kabuuan ng kanilang pag-uusap.

“Pero ang sasabihin ko lang ay kami ni Cristinelli, ‘pag tama siya sinasabi kong tama ka. ‘Pag mali siya, ipinararamdam kong mali siya. At alam ni Cristinelli na hindi ako magde-detalye dahil wala akong karapatan. Kung anuman ang nangyari, I stood by her,” ani Boy.

Babalik na ba si Cristy sa The Buzz sa darating na Linggo (April 20)?

“Ah, bakit? Umalis ba siya? Ang alam ko, paalis siya ng Canada. Ang bumabalik ay umaalis, so hindi ko pa alam,” sagot niya.

THE ANNABELLE RAMA INTERVIEW. May mga naisulat na komento bilang reaksiyon sa mga sinabi ni Annabelle sa The Buzz tungkol kay Cristy. Ayon sa ilang komento, bagsak na raw si Cristy ay tinadyakan pa siya. Ano ang masasabi ni Boy rito?

“Hindi ako magku-comment kasi masyadong malalim ‘yan,” sagot ni Boy. “Masyado akong maraming alam at kung ang sasabihin ko ay kapiraso lamang, hindi tayo magkakaintindihan. Hahayaan ko na lamang ang mga kinauukulan ang magpaliwanag diyan. Pero kung ako ang nagsabi niyan, magpapaliwanag ako. Pero hindi ako, e.

“So, it’s best I think you talk to Cristenelli. It’s best you talk to Buzz executives para sila ang magpaliwanag nang buo. Kasi kung kapiraso lang ang sasabihin ko, hindi tayo magkakaintindihan at kung magsasalita naman ako sa aking nalalaman, nakikialam ako masyado. E, masyado na akong daming pinakikialaman. Bakit pa ako makikialam ng mga hindi ko dapat pakialaman?”

Personally, ano ang naramdaman niya sa mga pahayag ni Annabelle laban kay Cristy?

“Ah, kasinungalingan naman kung sasabihin ko sa iyo ay pagbubunyi,” sabi ni Boy. “There was some discomfort. Pero I’m used to doing my job. I have been through many interviews. So, hindi naman bago sa akin ang pakiramdam na ‘yon. Marami na akong mahihirap na interviews na pinagdaanan.”

But this time, in one word, paano niya ide-describe ang naramdaman niya that time?

“Wala naman. It was not an interview that I feared. It was not an interview that was different. I mean, it was not a strange feeling. It wasn’t about me. It’s not about how I felt. Don’t get me wrong, but it is not about me. Ang akin lang, the farthest that I would go, I wish it didn’t happen. Yung I wish it didn’t happen na may nasasaktan,” pahayag ni Boy.

Ang impression naman ng iba sa interview niya kay Annabelle ay wala raw nagawa si Boy para ipagtanggol si Cristy. Ano ang reaksiyon dito ni Boy?

“Dahil ang pinakamagandang gawin sa pagkakataong ‘yon ay wala kang gawin. Some people don’t realize that. May mga taong naggsgaling-galingan. Ten years ago, I may have committed that mistake of trying to say words that shouldn’t be said. Yung wala akong nagawa para sa aking opinion was the best option,” pagtatapos ni Boy.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: