Birthday party ni Angel Locsin, inisnab ng Kapamilya bosses?

NAAWA ang isang tao na dating malapit kay Angel Locsin. Diumano, inisnab daw kasi ng mga executives ng ABS CBN 2 ang malaking birthday party ni Angel Locsin?

Ang sabi pa, in-expect daw ni Angel na dadalo ang mga mala­laking tao ng Dos sa kanyang party, pero hindi raw sumipot ang mga ito?

Anyway, kung totoo ang balitang ito, ang akala ko pa naman ay suportado talaga si Angel ng mga execs ng Dos.

Hindi nga ba, maraming nasagasaan si Angel na mga malalaking artists ng Dos, dahil nung lumipat siya ng Dos, binigyan agad siya ng primetime series ng Dos?

Teka, baka naman hindi masaya ang Dos sa resulta o sa rating ng Lobo nina Angel at Pio­lo Pascual, kaya deadma na lang ang mga exe­cutives ng Dos sa kanya ngayon?

Hay naku, patanong lang po `yan, ha!

Anyway, sa tingin ko ay hindi naman si­guro gagawin `yon ng mga executives ng Dos, na deadmahin na lang si Angel. Eh, ang balita ko, marami pa silang plano para sa dating talent ng GMA 7.

Siguro, busy lang sila kaya hindi sila nakadalo sa party ni Angel, `yun ay kung hindi nga sila dumating, tulad nung ikinuwento sa akin ng isang tao na dating malapit kay Angel, ha!

JUN NARDO
Abante Online

1 Comment »

  1. 1
    laura bueno Says:

    to angel…. sana man lang , pinahalagahan mo ang atensyon na binigay sa iyo ng GMA, now youve learned youre lesson girl…


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: