Preggy Aubrey Miles allegedly caught sniffing cocaine at Embassy Bar

Preggy Aubrey Miles allegedly caught sniffing cocaine at Embassy Bar

Sexy actress Aubrey Miles, who is now four months pregnant according to her management, was allegedly caught sniffing cocaine near the Embassy bar recently. However, when media tried to confirm the report, Aubrey is nowhere to be found.

Malakas ngayon ang usap-usapan tungkol sa isang sexy actress na diumano’y nahuli sa aktong sumisinghot ng cocaine sa loob ng sasakyang nakaparada malapit sa Embassy bar sa The Fort kamakailan lamang.

Ayon sa ulat ni Marlon Purificacion ng People’s Journal ngayon, April 15, ang naturang sexy actress ay apat na buwang buntis ngayon sa boyfriend niyang hunky actor. Sa artikulo naman ni Abu Tilamzik ng Abante Tonite ngayong araw ring ito, pinangalanan ang sexy actress bilang si Aubrey Miles at ang hunky actor ay si Troy Montero.

Batay sa mga usap-usapan, matapos ang diumano’y pagkakadakip, dinala pa raw ang sexy actress sa Taguig police station ngunit agad din namang pinakawalan.

Bagama’t pinilit kumpirmahin ang nasabing insidente, nabigo ang Abante na makakuha ng pahayag sa mismong tauhan ng Embassy bar.

Samantala, hindi nagawang kunan ng komento mismo si Aubrey kahit na pinuntahan pa ito sa kanyang tinitirhang townhouse sa Valencia Hills, N. Domingo Street, sa San Juan City. Nang tawagan ng guard ang bahay ni Aubrey, sinabi raw nito na wala sa bansa ngayon si Aubrey at matagal pa raw bago bumalik.

POLICE DENIES INCIDENT. Nang tanungin naman ng People’s Journal ang Taguig police, tinanggi ng mga awtoridad ang naturang insidente.

Ayon kay Sr. Supt. Alfred Corpuz, hepe ng Taguig police station, hindi totoo ang balitang may naaresto silang sexy actress kamakailan. Gayundin, siniguro niya na kung sakaling may nahuli nga ang kanyang mga tauhan ay ipapaalam nila ito kaagad sa kanya.

Nang tanungin naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang handler ni Aubrey na si Paula Punla, sinabi niya na matagal na silang walang komunikasyon sa sexy actress simula nang mabuntis ito.

Sa panig naman ng Embassy Bar, sinubukan din ng PEP na kunin ang pahayag ng isa sa mga owner nito na si Tim Yap. Sa ngayon ay nasa New York pa si Tim ngunit nangako siya na babalikan niya ang PEP sa oras na makumpirma niya ang balita.

Bago ilathala ang balitang ito, tinawagan din ng PEP ang hotline ng Philippine Drug Enforcement Agency na nakalagay sa kanilang website ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Aubrey o ng kung sinuman mula sa kampo nito upang mailabas ang kanyang panig.

NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: