Naghanap ng damay, galit kina Bong at Lani inilabas ni Osang

Ilang news patrol reporters ang nakapag­ parating sa amin ng impormasyon na nung makita pala ni Rosanna Roces ang logo ng GMA 7 sa mikropono ng crew na kumukuha sa nagaganap sa OTB (off-track betting) station habang nagwawala siya ay meron pang kung anu-anong sinabi si Osang habang tinatalakan niya ang mga taga-Siete.

Hindi pala iyon kasing simple lang ng pagtatakip niya sa lente ng camera, hindi rin yun kasing simple lang ng pagsasabi niya ng “Ano, pagkakakitaan n’yo na naman ako?”

Ayon sa aming nakausap na reporter, “May mas matitindi pa siyang sinabi sa crew! Sinabi rin ni Rosanna na bakit siya raw ang pinagkakaabalahang kunan ng crew, bakit hindi raw nila hanapin sina senador Bong Revilla at Lani Mercado para tanungin kung bakit nabuntis ang anak nila?

“Sinabi rin ni Osang na tama na raw ang ginawang paninira sa kanya at kay Grace, huwag na raw yun dagdagan pa ng Siete, dahil nananahimik na raw ang buhay niya.

“Bakit gano’n si Rosanna, bakit kapag galit siya sa mundo, lahat ng tao, e, idinadamay niya? Bakit kasi hindi na lang siya magpakatino, huwag na siyang gumagawa ng mga bagay-bagay na ikasasama niya.

“Yun lang ang dahilan para makalibre na siya sa mga isyung hindi kagandahan. Hindi yung ganyan na kapag nabubuko ang mga ginagawa niya, e, ibabato niya sa iba ang sisi,” napapailing na lang na sabi ng aming source.

* * *

Ang nangyari kay Grace at ang nangyari kay Inah Revilla ay pareho lang kung tutuusin. Pareho silang nagdalantao nang hindi pa sila ikinakasal, pero ibang-iba naman ang sitwasyon ni Inah, dahil ikakasal na siya sa May 28 sa Manila Cathedral.

Masalimuot naman ang nangyari kay Grace, urong-sulong ang kanilang relasyon ni Jolo Revilla, minsang maayos at mas madalas na magulo. Kaya ang naging ending, paghihiwalay. Meron nang ibang karelasyon ngayon si Grace at nandiyan na rin si Lovi Poe sa buhay ni Jolo, naghihiraman na lang sila ngayon sa kanilang anak na si Budoy.

Ang kay Inah ay pinanindigan ni Vince del Rosario, si Grace ay gusto ring panindigan noon ni Jolo, pero kung anu-ano nang senaryo ang naganap at nagkaroon ng hidwaan ang dalawang pamilya.

Tama ang pananaw ng nakausap naming reporter, bakit kailangang isumbat ni Osang sa mga Revilla ang nangyari kay Inah, kasalanan ba nina Bong at Lani ang pagkabuntis ni Inah, kung paanong si Osang din ba ang kailangan nating ituro sa maagang pagbubuntis ni Grace?

Iyon ang kapalaran ng kanilang mga anak, ang mga ito lang ang responsable sa kanilang buhay, kahit pa malaki rin ang ginagampanang papel ng kanilang mga magulang sa ganitong sitwasyon.

Ang akala nami’y maayos na ang relasyon ni Osang at ng mga Revilla, maayos nang nahihiram ni Jolo si Budoy, kaya ang akala ng marami ay maganda na ang kanilang sitwasyon.

Pero hindi pa rin pala, kapag nagagalit sa mundo si Osang ay nababanggit pa rin niya ang mga nagaganap sa pamilya Revilla, kahit lihis na sa katwiran ay hinahanapan pa rin niya ng pintas ang pamilya ng kanyang manugang na hilaw.

Nung huli naming nakausap si Osang ay nagpapasalamat pa siya kay Sen. Bong dahil pinadalhan nito ng sasakyan si Budoy, si Osang ang gumagamit ng sasakyan, dahil wala pa namang masyadong pinupuntahan ang kanyang apo.

Akala nami’y maayos na sila, pero hindi pa rin pala, meron pa rin palang itinatagong sama ng loob si Osang sa pamilya.

Siya pa mismo ang nagsabi noon na para raw lumuwag ang ating kalooban at suwertihin tayo ay kailangan nating maging bingi sa nakaraan, kailangan daw nating linisin ang ating puso sa mga galit at sama ng loob, pero siya naman pala mismo ang hindi gu­ma­gawa ng kanyang ipinapayo.

Sana’y maging resonable naman si Osang kahit paminsan-minsan lang, hindi naman siya hinahanapan ng pa­giging perpekto ng marami, huwag lang maging pilipit ang takbo ng kanyang utak ay sobra pa sa sapat.

CRISTY FERMIN
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: