Nadine ayaw na pumirma sa GMAAC

TULOY na ba ang paglipat ni Nadine Samonte sa ABS CBN 2?

Naglabasan kama­kai­lan na mag-a-alsa balutan na raw si Nadine sa GMA 7, at susunod na ito sa mga yapak ni Cristine Reyes.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Nadine kamakailan sa studio ng Eat Bulaga, itinanggi niya na lalayasan na niya ang Siyete. Sabi ni Nadine, nanatili pa rin siyang Kapuso.

Pero, inamin din ni Nadine na ayaw na niyang pumirma ng panibagong kontrata sa GMA Artist Center.

Noong Pebrero pa nag-expire ang kontrata ni Nadine sa Artist Center.

Pero, sa pagkakaalam ni Nadine, kung sakaling pilitin ng Artist Center na papirmahin siya ng pani­bagong kontrata, malamang na wala raw siyang magawa, dahil nakasaad daw sa dati niyang kontrata na may option ang Artist Center na muli siyang papirmahin.

Sabi ni Nadine, ang abugado na lang daw niya ang bahalang mag-asikaso tungkol doon.

Anyway, ayaw magbigay ng dahilan si Nadine kung bakit ayaw na niyang pumirma ng panibagong kontrata sa Artist Center.

Pero, aminado siya na siya man ay nagtataka na parang napapabayaan na siya ng GMA. Katuna­yan, isang programa lang daw ang ginagawa niya nga­yon, na magtatapos na rin. At hanggang ngayon ay wala pa raw siyang naririnig na kasunod nito.

Kung siya raw ang masusunod, mas type niyang pumirma ng exclusive na kontrata sa GMA, at hindi sa Artist Center. Sabi nga niya, gusto niyang magkaroon ng magandang trabaho, at seguridad sa kanyang career.

Inamin ni Nadine na siya ang nagpapakain sa kanyang pamilya, kaya kailangan niya ng trabaho. Nalulungkot nga siya kapag naiisip na hindi siya sinusuportahan ng GMA.

Itinanggi ni Nadine na nakikipag-usap na siya sa management ng ABS CBN. Sabi nga niya, wala raw siyang natatanggap na offer mula sa Dos.

Anyway, natapos na ang bahay na ipinagawa ni Nadine, at kumpleto na rin ito ng mga gamit.

Ibinalita rin ni Nadine na matatag pa rin ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niya.

REY PUMALOY
Abante Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: