Kristine nag-iinarte pa rin kahit ‘di na sikat

Gaano katotoo ang balitang nakarating sa amin na nag-iinarte umano ang aktres na si Kristine Hermosa kaya maging ang mabait na director ng afternoon TV series na Prinsesa ng Banyera na si Andoy Ranay ay napuno na umano sa aktres at gusto na nitong mag-quit bilang director sa nasabing serye?

Ang balitang attitude problem ni Kristine ay hindi na bago sa aming pandinig dahil matagal-tagal na panahon na namin itong naririnig.

Dapat isipin ni Kristine na hindi na siya kasing init ngayon kumpara noon. Mas marami nang mas bata, mas sikat at mas magagaling sa kanya ngayon kaya kung hindi siya magbabago ay baka ma-realize na lamang niya na wala nang interesado sa kanya. Dapat magpasalamat si Kristine sa kanyang home studio (ABS-CBN) na sa kabila ng mga negatibong balita tungkol sa kanya ay patuloy pa rin siyang binibigyan ng proyekto pero hanggang kailan?

Dapat ding isipin ni Kristine na ang kabataan, kasikatan at kagandahan ay lumilipas pero kapag ang isang tao ay may angking talino, masigasig, professional at marunong makisama at makipag-kapwa-tao, puwede siyang magtagal sa industriyang kanyang ginagawalan.

ASTER AMOYO
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: