Cristine Reyes and Dennis Trillo surprised at chance meeting with Carlene Aguilar

Cristine Reyes and Dennis Trillo surprised at chance meeting with Carlene Aguilar

“Nabigla talaga kami. Hindi namin talaga alam ang gagawin namin. Ayun, hindi ko talaga alam, as in na-stunned ako. Wow! Hindi ko alam. Nakakagulat pala yun,” says Cristine Reyes about the unexpected meeting with Carlene Aguilar while the young actress was with Dennis Trillo.

Napaka-sexy ni Cristine Reyes sa suot niyang red summer dress nang mag-guest siya nang live sa The Buzz kahapon, April 13, bilang pagwe-welcome sa kanya ngayong certified Kapamilya talent na siya.

Bago umakyat ng stage si Cristine ay nag-apologize muna ang guest co-host last Sunday sa The Buzz na si Anne Curtis sa pagbanggit niya ng “Dennis Padilla” instead of “Dennis Trillo” sa simula ng programa. Tinanggap naman agad ito ng rumored girlfriend ni Dennis na si Cristine since iisa na lang din ngayon ang manager nila ni Anne—si Veronique del Rosario.

Pagsalang ni Cristine sa harap ni Boy Abunda, sinagot niya ang intriga na wala raw siyang utang na loob sa paglisan sa GMA-7.

“Actually, sinabi ko po before na I’m thankful na ginawa nila [GMA-7] si Cristine Reyes, at ako yun. Dahil sila ang gumawa ng Cristine Reyes, tinatanaw ko po yun na malaking utang na loob sa kanila,” lahad ni Cristine.

Kasunod ng pagpirma niya ng kontrta sa ABS-CBN, sunud-sunod din ang mga intirgang ibinabato kay Cristine gaya na lang sa isyu ng pagtatrabaho niya noon sa GMA-7. Hindi raw siya mahusay makisama at may attitude kapag nagtatratrabaho. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Siguro ayokong i-defend ang sarili ko na hindi totoo yun,” sagot niya. “Mas maganda siguro kung ang tanungin nila ay yung mga taong nakatrabaho ko na. Dumarating naman ako sa set on time. Ginagawa ko lahat ng sinasbai nila. Hindi ako nag-iinarte sa set.”

RELATIONSHIP WITH PAPPI.
Binigyang linaw rin ni Cristine ang tunay na relasyon nila ng Wowowee host na si Willie Revillame.

“We’re friends and hanggang doon lang po,” mahinahong sagot ni Cristine.

Itinanggi rin ni Cristine na si Willie ang producer ng unang teleserye na gagawin niya sa ABS-CBN, ang remake ng Alma Moreno movie na Eva Fonda 16.

“Narinig ko po yun and actually, tinanong ko ‘yan, kung si Willie ang producer. Ang sabi po sa akin hindi; ang ABS-CBN,” ani Cristine.

HER OWN DECISION. Dahil naunang lumipat sa ABS-CBN ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ara Mina kaya inaakusahan na ito ang nagmaniobra ng paglipat ni Cristine sa Kapamilya network.

“Siyempre, isang factor din si Ate dahil kapatid ko siya. Pero ang paglipat ko po dito, desisyon ko yun. Desisyon ko lang talaga yun,” paglilinaw niya.

UNEXPECTED MEETING.
Kinumpirma rin ni Cristine ang balita na nagkita-kita sila ni Carlene Aguilar kasama ang kanyang pamilya sa Edsa Shangri-La habang kasama niya si Dennis Trillo. Si Carlene ang ex-girlfriend at ina ng anak ni Dennis.

“Totoo po na naganap ‘yon,” pagkumpirma ng young actress.

Bakit sila magkasama ni Dennis?

“Kasi po we watched a movie,” sagot ni Cristine. “Kaming dalawa lang. Pero lilinawin ko lang po sa lahat na walang balikan na nangyari.”

Nanliligaw ba ulit sa kanya si Dennis?

“Hindi po siya nanliligaw, pero malapit kami kasi may past kami,” aniya.

Ayon sa mga source ni Boy Abunda, para raw nakakita ng multo sina Cristine at Dennis nang makasalubong nila si Carlene. Totoo ba ito?

“Siyempre naman, sa lahat ng taong makakasalubong namin, siya pa, di ba?” reaksiyon ni Cristine.

Sinabi ba sa kanya ni Dennis na dinalaw niya ang kanyang anak kay Carlene bago sila nanood ng sine that day?

“Lahat naman po yun [sinasabi ni Dennis],” sagot ng dalaga.

Bakit sasabihin ng isang lalaki ang lahat ng lakad niya sa isang babae kung wala naman silang relasyon?

“Hindi po. Ang sabi niya sa akin, parang nabanggit lang niya na galing po siya doon.”

Ano ang pinag-usapan nila ni Dennis pagkatapos nilang makasalubong si Carlene?

“Hindi namin pinag-usapan. Natawa lang kami kasi of all people. ‘Wow, small world!’ Ganun lang.”

Nagbigay rin ng mensahe si Cristine kay Carlene sa ere: “Sorry ha, kasi nabigla talaga kami. Hindi namin talaga alam ang gagawin namin. Ayun, hindi ko talaga alam, as in na-stunned ako. Wow! Hindi ko alam. Nakakagulat pala yun.”

Sa scale of one to ten, ipina-rate ni Kuya Boy kay Cristine kung gaano na siya kasikat ngayon.

“Parang ang pangit naman kung ire-rate ko ang sarili ko kung gaano ako kasikat. Ang tao lang po ang makakapagsabi noon,” sagot ni Cristine.

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: