Rosanna Roces explains her outburst at off-track betting station

Rosanna Roces explains her outburst at off-track betting station

“Hindi ako naman talaga sugarol, e, horse lover ako. Hindi ako sugarol talaga, gusto ko tumatama lang lagi,” says Rosanna Roces who’s in a lighter mood days.

Isang kalmadong Rosanna Roces na ang nakausap ng Startalk kahapon, April 12, nang magbigay ito ng pahayag ukol sa naganap na pagwawala diumano niya sa isang off-track betting station noong Huwebes, April 10, sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa ulat, nagalit diumano si Osang (palayaw ni Rosanna sa showbiz) nang malaman niyang hindi nai-register ng teller ang kanyang taya sa karera na dapat sana ay nanalo ng P20,000.

Una nang naipaliwanag ng teller sa GMA News, “Bawal ho ang paki sa amin. Kasi kung may pera ‘tsaka tataya kahit sino pa diyan, kahit kung ano, hindi ko naman siya kilala e, ‘tapos through telephone, ‘tapos hindi pa niya sa akin tinawag [kundi] sa ibang tao.”

Iba naman ang naging paliwanag ni Osang sa Startalk. Aniya, ang teller daw ang mali dahil hindi niya nai-punch ang kanyang taya.

Nang tanungin siya ng Startalk host na si Butch Francisco kung ano ang totoong nangyari, isang mahabang salaysay ang binigay ni Osang.

“Ganito yun, race two pa lang tumataya na ako,” panimula ni Osang. “Kasi wala kaming magawa, nagtitiklop kami ng damit. Nagkatuwaan para sa pabinyag ni Onyok. Hindi ba kapag may buntis suwerte, ‘di ba?

“Besides, hindi naman ako talaga mananaya, I’m a race-horse owner. Nagkataon lang na yung oras na yun, siyempre sa mga owner may tinatawag na ultimo ora, ‘di ba? Yung dehado na alam mong lalabas.

“Sa race two pa lang, nanalo na ako, e. Di tuwang-tuwa kami. Ang taya ko naman e fifty-fifty [pesos] lang, one hundred-one hundred [pesos] pero ang tatamaan ko siguro is almost forty [thousand pesos] plus. E, di okey na, may pambinyag na siya [Onyok].”

Patuloy pa ng dating sexy actress, “Itong teller na ‘to, may tao ako roon, kasi wala na dito sa Don Antonio [Quezon City], nasa Tandang Sora [Quezon City] na yung OTB-pinataya ko. Tumawag ako mismo sa phone, hindi [na-punch] nung teller. Ang sabi niya, walang pera.

“Imposible kasi kunwari ako yung teller, Butch, ibibigay mo sa akin yung taya mo, kukuwentahin ko, at saka ako magbabayad. Hindi ka puwedeng lumapit sa teller ng wala kang pera.”

“SEGURISTA AKO.” Matapos nito, naikwento ni Osang na kilala na niya dati pa ang teller ng nasabing off-track betting station.

“Teller ko iyon dati,” pahayag ni Osang. “Tsinugi ko dahil nga yung mananaya hindi makataya dahil text nang text at saka masama yung ugali. Siguro gumanti o baka siya yung nakinabang doon sa pera, sa taya ko, e, hindi niya [na-punch]. Pina-check ko doon sa komisyon, hindi niya talaga [na-punch]. May tao ako doon, e, hindi naman ako ang tumataya doon, e.”

Gayundin, sinabi ni Osang na kilala na rin siya ng mga iba pang mananaya sa lugar na iyon. Ayon kay Osang, “Kaya kapag tumataya ako doon, kapag nagpupunta ako doon, sumasabay lahat ng mananaya kasi alam nila mananalo yung taya ko. Hindi naman ako llamadista’s dehadista, segurista ako.”

“ANG KARERISTA, SANAY MATALO.” Dahil sa nangyari, tinanong ni Butch kung ano ang magiging resulta ng hindi niya pagkakuha ng kanya sanang napanalunan.

“Alam mo, ang mga karerista naman, sanay na natatalo,” diretsang sagot ni Osang. Tanging inaalala lamang diumano ni Osang ay kung patuloy na magiging ganito ang situwasyon.

“Ang ayaw ko lang, inaabuso,” sabi ni Osang. “Kung ako ginanun niya, paano na yung maliliit na tumataya ng beinte, trenta [pesos] para makabili ng bigas sa pamilya, ‘di ba? Papaano na yung mga yun?

“Yun pala, talagang marami na ring galit doon. Lagi ‘yan, e, sa tuwing maaano ‘yan, pinaalis ko ‘yan kasi nga text nang text, so yung mga nakapila, hindi nakakataya.”

Dahil na rin sa nangyari, sinabi ni Osang na mas maraming iba pang betting station ang nag-aaya sa kanya upang tumaya sa kanilang puwesto.

“Alam mo, wala naman yun sa mga mananaya,” paliwanag ni Osang. “Simple, nawalan sila ng mananaya, e, ang dami namang tatayaan diyan. Sa nangyari nga, ang dami pa ngayong nag-offer sa akin na, ‘Dito ka na lang tatawag,’ ganun-ganun.

“In fact, yung kaibigan ko nga galing Saudi [Arabia], nasa Saudi tumatawag. Kung tumaya yun 80, 240 [pesos], malakas, kasi maraming pera. Ako nagpapanalo doon, so kapag nanalo pinadadalhan ako ng litson. ‘Ayun, noong nalaman nila yung nangyari, heto, pinadalhan ako ng mga food.”

Bukod sa pagiging mananaya, inamin din ni Osang na nag-o-organize din siya minsan ng mga charity race. Aniya, “Member ako ng bayangkarerista.org. I was once a…nanalo ako sa Ultimate Tipster Challenge and besides, hindi ba, ang ninong ko nga is, si Aristeo Puyat, who is one of the biggest names in horse racing.”

NEWFOUND LOVE. Pagkatapos pag-usapan ang tungkol sa balitang pagwawala sa isang off-track betting station, inintriga naman ni Butch si Osang sa diumano’y bagong pag-ibig na kanyang nakita.

“Oo, hindi…paano ba ‘to?” nauutal na sagot ni Osang. “Kasi ano, e, akala ko nga hindi ko na makikita yung… Isang salita lang ang gusto kong madinig sa isang lalaki, nadinig ko sa kanya.”

Agad siyang tinanong ni Butch, “Ano ito?”

Sagot ni Osang, “Yung huminto ka na sa trabaho, ako na lang.”

Dahil dito, ayon kay Osang, ang mamahalin na niya habang-buhay ay ang kanyang bagong pag-ibig. “Yun ang hiningi ko kay Tito [Molina, her ex-husband] na sabihin niya, hindi niya nasabi. Ngayon, may nagsasabi sa akin na ganun, e. Mamahalin ko na ‘to nang habang-buhay.”

Dagdag pang balita ni Osang, anumang oras ay magkakaroon na rin siya ng bagong apo sa kanyang anak na lalaki na si Onyok.

Sa huli, tinanong ni Butch kung magkakaroon ba ng triple wedding. Natatawang sinagot ni Osang, “Hindi ba magkakaanak na si Onyok anytime now? So, gusto nilang magpakasal, but then 21 years old yata no exemptions. Si Grace naman, ayaw dahil ayaw akong iwan, so sabi ko sabay-sabay tayong tatlo. Ang cute, ‘di ba?”

NERISA ALMO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: