Movie ni Juday, suportado ng Siyete

Kahapon ay nakita ko sa bakuran ng GMA 7 si Judy Ann Santos kasama si Dante Nicko Garcia (na mas kilala sa tawag na Ga, ang direktor ng Plo­ning movie ng young superstar).

Nasa Siyete sila para sa promotions ng Ploning.

May VTR interview si Juday para sa Unang Hirit at Mel & Joey. Tutuloy rin sila sa Broadway Centrum para naman sa guesting nila sa Showbiz Central.

Visible ngayon si Juday sa shows ng Siyete dahil suportado ng Kapuso network ang promotions ng Ploning.

Makakasabay kasi ng showing ng Ploning sa Abril 30 ang When Love Begins movie nina Aga Muhlach at Anne Curtis na co-production venture ng Star Cinema at Viva Films, kaya less ang exposure ng movie ni Juday sa shows ng ABS-CBN.

Kahit nag-aakyat ng datung sa kaban ng yaman ng Dos si Juday, na­tural na mas priority ng Dos ang sarili nilang pelikula at naiintindihan ‘yon ng mga taga-Ploning, kaya lumapit sila kay Atty. Annette Gozon-Abrogar para ma-promote rin ang kanilang pelikula na kinunan sa Cuyo, Palawan.

“Lumapit kami kina Ms. Annette dahil naging magkaibigan kami during the shooting of Ouija. Nakatutuwa na suportado kami ng Siyete sa promotions ng Ploning.

“Ang ikinatuwa pa namin, pagdating namin sa meeting with Ms. Annette, siya na ang naglatag ng mga plano nila para sa promotions ng Ploning.

“Touched talaga kami,” sabi pa ni Direk Ga.

Wala nang urungan ang showing ng Ploning sa Abril 30.

Si Juday rin daw ang may gusto ng playdate na ‘yon.

“Pre-birthday presentation kasi ni Juday ang Ploning. Kung aatras kami, sa May 14 pa kami maisu-showing. Tapos na ang birthday ni Juday at wala rin siya rito sa bansa.

“Kaya sabi ni Juday, okey lang na magkatapat na ang movie namin at ang movie ng Star Cinema.

“Kung minsan, mas nagiging exciting kapag may katapat,” dagdag pa ng direktor ng Ploning.

May guesting din daw ang young superstar sa ilang shows ng Dos, pero dahil ‘yon sa tie-up sa isang

product endorsement ni Juday at isasabay lang nito ang pagpo-promote ng Ploning.

JUN LALIN
Abante Tonite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: