If GMA-7 has “Survivor,” ABS-CBN has “Fear Factor”

Nababasa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang request ng Kapuso viewers kung sino ang gusto nilang mag-host ng Survivor Philippines. May gustong si Drew Arellano ang mag-host nito, merong may type si Chris Tiu, at mas marami ang pumipili kay Paolo Bediones.

But as of today, schedule pa lang ng series of auditions sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang naka-announce sa website ng biggest reality show na nasa ‘Pinas na. Wala pang clue kung kanino ibibigay at kung sino ang pipiliin ng GMA News and Public Affairs na magho-host nito.

Naaalala ng PEP the last time na ma-interview si Paolo, hanggang May na lang sa ere ang Tok.Tok, Tok!, pero ibabalik daw sa September. Wala pang bagong show na ino-offer sa kanya ang GMA-7 at mag-i-expire na rin ang kontrata niya. Hindi naman kaya ipapahinga ang Tok,Tok, Tok ay dahil siya ang magho-host sa Survivor Philippines?

In fairness, sanay na si Paolo sa pagho-host ng reality show, dahil sa Extra Challenge na the whole time nasa ere ay siya ang host. Sanay na rin siya sa physical and mental challenges na pagdadaanan ng 16 castaways na mapipili ng Survivor Philippines for 39 days.

Samantala, nabalitaan ng PEP na kung ang Channel 7 ang nakakuha ng Survivor franchise para sa Survivor Philippines, ang ABS-CBN naman daw ang nakakuha ng franchise ng Fear Factor. Wala pa nga lang official announcement tungkol dito at balak sigurong gulatin ng Dos ang mga Pinoy, lalo na ang viewers ng Fear Factor.

In fact, may mga isinabmit na raw na pangalan at may mga talent manager nang nagla-lobby sa Dos para ang talent nila ang kuning host ng Fear Factor. Maganda sana, kung magkakasabay ang airing ng Survivor Philippines at Fear Factor, kaso mukhang mauuna ang Survivor Philippines, dahil naghahanap na sila ng magiging contestants. Pero, puwedeng-puwede pang humabol ang Channel 2 sa kanilang Fear Factor, dahil kung titingnan ang audition schedules ng Channel 7 for Survivor Philippines, buong May ito at posibleng sa July pa ito ieere.

Isa pang magiging exciting sa local franchise ng dalawang reality shows ay kung ang magkaibigang Paolo Bediones at Ryan Agoncillo ang magho-host. Si Paolo for Survivor Philippines at si Ryan for Fear Factor.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: