It’s about money, not career move, when stars transfer to another network, says Allan K

It's about money, not career move, when stars transfer to another network, says Allan K

“Kasi kahit ano pa’ng sabihin mo… isa lang ang puno’t dulo niyan, e-pera,” answered Allan K when asked about the trend of stars transferring to another network.

Apat na taon nang co-hosts sina Allan K at Jaya sa All Star K! The ! Million Videoke Challenge ng GMA 7 na napapanood tuwing Linggo ng gabi. Kaya naman na-develop na nang husto ang close friendship nilang dalawa.

“Ay, alam mo, kami ni Jaya, ang rapport namin off-screen at on-screen. We became the best of friends, na wala nang itinatago sa akin ‘yan. Same thing with me, ganun.

“Parang naging sobrang close na kami, minsan kahit wala sa script, biglang nagkakasabay pa kami ng sasabihin sa TV, tawa kami nang tawa, talagang we are one, ganun,” patuloy pa ni Allan nang makatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules ng hapon sa Coral View Resort sa Morong, Bataan.

Nando’n ang buong grupo ng All Star K! for the taping of their summer episodes. Tinanong naman ng PEP si Allan kung ano ang sikreto niya at isa siya sa pinaka-successful na stand-up comedians at TV hosts ngayon. Bukod pa rito, isa rin siyang very successful businessman na nagmamay-ari ng mga sikat na comedy bars sa bansa.

ALLAN’S SECRET OF SUCCESS. “Sikreto? Siguro mabait ako! Ha-ha-ha! ‘Tsaka ‘yung inspiration, I get it from the people na wala ring sawang sumusuporta. Imagine I’ve been performing for many years now, makikita mo na madaming bagong lugar, madaming baguhang performers, pero makikita mo yung audience na sa The Library [comedy bar in Malate where he started] mo pa audience, malalaman mo sa request na kanta, yung mga kinakanta mo pa nung araw sa The Library.

“Minsan, may mga [galing pa sa] My Father’s Moustache pa na audience. Hay, nakakaloka!” natatawang kuwento pa ni Allan sa PEP.

Dahil sa tagal na nga niya sa trabahong pagpapatawa at pagho-host, natanong tuloy namin kung hanggang kailan kaya niya gagawin pa ang trabahong ito?

“As long as they want to listen to my songs, and as long as they want to laugh at the jokes I make, I’ll still continue. As long as may natutuwa, at as long as feeling ko gusto pa nila ako.

“You’ll feel naman if you need to retire, e! But for the moment, malayo pa.”

MONEY, NOT CAREER MOVE. Isa rin si Allan sa ipinagmamalaking hosts ng top-rating noontime show na Eat Bulaga!, which leads us to ask kung na-experience na ba niya ang offer ng trabaho ng ibang istasyon?

“Never pa naman. Wala pa naman.”

Bakit kaya?

“Hindi ko alam. Ayaw nila sa akin. Charing! Ha-ha-ha!”

Sinabi rin ni Allan na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng mga lumilipat ng istasyon na ginawa nila ang paglipat dahil ito ay isang career move.

“Sa akin naman kasi, loyalty is of course important to one person. Kasi diyan mo na-ge-gauge yung pagkatao mo, e. Kasi hindi mo puwedeng sabihing ek-ek na ‘I want to move on,’ ‘This is a career move,’ as long as there’s work in one channel…kung wala, oo, you have all the reasons in the world to transfer. Kahit nga hindi ka i-pirate e, baka ikaw pa ang mag-offer ng sarili mo. Pero as long as there’s work in one station… Pangit kasing tingnan na na-pirate ka, e!

“Kasi kahit ano pang sabihin mo na, move on, isa lang ang puno’t dulo niyan, e—pera.

“Susulutin ka ba ng hindi tataasan ang talent fee mo? Magpapasulot ka din ba ng same talent fee or lesser?

“Hindi true ‘yan.”

ROMMEL GONZALES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: