Angelika dela Cruz answers loyalty issue

Angelika dela Cruz answers loyalty issue

“Kung masaya ako sa isang bagay, habang nasa isang network ako, ang loyalty ko ay para sa kanila. Pero kung wala na ako sa kanila, that doesn’t mean na kung anu-ano na ang dapat kong sabihin at ida-down ko ang network na tumulong din naman sa akin, lalo noong time na kailangan ko ng trabaho,” explains Angelika dela Cruz about her loyalty to TV networks.

Isa nang ganap na Kapuso star si Angelika dela Cruz dahil ang pagpasok ng character niya sa teleseryeng Babangon Ako’t Dudurugin Kita ay damang-dama na sa mga araw na ito.

“I also signed a managerial contract with GMA Artist Center,” sabi pa ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Kaya ang feeling ko, very assured na hindi ako mapababayaan. Aside from the fact that I have a guaranteed exclusive contract with GMA for two years.”

In other words, sa estadong ito ng career ni Angelika, ipinagkakatiwala na niya ang lahat sa GMA-7 pagdating sa pagpapatakbo ng kanyang career.

“Really, I’m very happy being a Kapuso. Natutuwa nga ako dahil hindi naging problema for me ang pagbabalik sa GMA-7. Madali kong nakausap ang big bosses ng Dos, pumayag sila, and before that, nag-agree na rin ang GMA sa gusto kong mangyari.

“Hindi ko talaga gusto yung kapag umaalis, nagkakaroon ng mga negang away. Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future. Noon, nasa Dos ako, para nga akong pingpong ball. Napunta ako sa GMA, tapos sa ABS uli; then ngayon, Kapuso uli ako,” nakangiting sabi ni Angelika.

ANGELIKA’S LOYALTY. May mga nagsasabi namang kakuwestiyon-kuwestiyon ang kanyang loyalty dahil sa paglipat niya ng networks.

“I just put it this way, kung masaya ako sa isang bagay, habang nasa isang network ako, ang loyalty ko ay para sa kanila. Pero kung wala na ako sa kanila, that doesn’t mean na kung anu-ano na ang dapat kong sabihin at ida-down ko ang network na tumulong din naman sa akin, lalo noong time na kailangan ko ng trabaho. Walang dahilan para hindi nila maintindihan ang point ko pagdating sa bagay na ‘yan. Wala namang personalan,” paliwanag ni Angelika.

Aware si Angelika na nagkaproblema rin sa kanya ang ilang tao dahil sa pagiging bratinella niya noon.

“Kasi bata pa ako noon, immature,” sabi ni Angelika. “Eventually, natututunan ko yung pakikisama. At saka noong time na yun, kapag in love ako, wala akong pakialam sa iba. Doon lang sa taong yun umiikot ang mundo ko. In the past kasi, ang mga nakarelasyon ko, puro taga-showbiz. Ngayon, nabago ang perspective ko mula nang magka-boyfriend ako na wala sa showbiz, and at the same time, mas mature talaga sa akin.”

THREE YEARS AND STILL GOING STRONG. Three years na rin daw ang itinatakbo ng relasyon nila ni Orion Casareo, isang young businessman who belongs to a prominent and wealthy family.

“Siya yung maraming naituturo sa akin, lalo na pagdating sa pera, kung paano mai-invest nang tama yung kinikita ko. Kasi, negosyante siya. Hindi lang yung tungkol lang sa relasyon. Aware din ang daddy ko sa magandang influence ng boyfriend ko sa akin, kaya naman wala kang maririnig na reklamo sa daddy ko.

“Besides, nasa hustong gulang na ako para mag-decide kung ano ang dapat para sa akin. May tiwala naman ang daddy ko sa akin pagdating sa bagay na ‘yan,” sabi ni Angelika.

DADDY’S GIRL. Pagdating nga sa career, lahat halos ay diskarte na ni Angelika ngayon. Kaya ang amang si Ernie dela Cruz ay naka-focus na lang sa pagma-manage ng family-owned bar nila sa Malabon, ang Starz.

“Minsan stressed ang daddy ko dahil may mga problema sa ganyang business. I told him nga, if it’s not worth it, i-give up na lang niya. Hindi naman niya kailangang magtrabaho.

“Kaya na namin ng mga kapatid ko ang itaguyod ang mga sarili namin, at susuportahan din namin siya. But my dad is not the type who would just stay home. Gusto niya, yung may pinagkakaabalahan din siya,” lahad ni Angelika.

RECORDING CAREER. Pati ang sinasabing pagbongga uli ng recording career ni Angelika ay tiyak na ipagkakatiwala na rin niya sa GMA Artist Center ang diskarte.

“Inaayos na rin naman. Wala pang linaw ang mga detalye. Pero kapag nariyan na, ipaaalam ko naman agad. Nagkaproblema kasi ako sa BMG noon, nagkademandahan sa kontrata, di ba? Nalusutan naming yun kaya kailangang mas maging maingat na kami sa pakikipagkasuduan pagdating diyan.

“Isa ‘yan sa mga gusto kong mangyari sa pag-aartista ko, na hindi masyadong nabigyan ng katuparan noon. Hopefully, makapag-concentrate ako sa singing,” pagwawakas ni Angelika.

ARCHIE DE CALMA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: