Utol ni Hero, pumapel na naman

May nakarating na kuwento sa akin na nairita ang staff ng Dyesebel sa pakikialam na naman daw ng kapatid ni Hero Angeles na si Henry.

May ilang detalye raw sa partisipasyon ni Hero sa bagong telefantasya ng GMA 7 na gustong malaman ni Henry.

Ang ikinairita ng ilang staff, ang daming demands daw nitong Henry para kay Hero gayung hindi ito bida sa Dyesebel.

Hindi na ikinuwento sa akin kung anu-anong demands ang hinihingi ni Henry pero nagreklamo na ang ilang staff at nakarating ito kay Kuya German Moreno na nagpasok kay Hero sa Dyesebel.

Ang pagkakaalam ko, si Kuya Germs na ang manager ni Hero. Hindi ko lang alam kung ano ang usapan nila ni Henry kaya nakikialam pa rin si Henry sa trabaho ni Hero.

Bago magulo ang lahat, nakipag-usap na raw si Kuya Germs sa mga taga-Dyesebel at ina­yos ito.

Hindi ko pa nakakausap si Kuya Germs tungkol dito kaya hindi ko pwedeng kumpirmahin ang narinig kong tsikang nagkasagutan sila ni Henry.

Sinubukan kong tawagan si Henry pero hindi siya sumasagot, kaya hindi ko siya nakunan ng sagot tungkol sa isyung ito.

Sa totoo lang, kaya naging active uli sa showbiz si Hero ay dahil kay Kuya Germs na nakiusap na bigyan na si Hero ng programa sa GMA 7.

At least, bukod sa Walang Tulugan na co-host si Hero, malapit na itong mapanood sa Dyesebel.

In fairness sa Walang Tulugan ni Kuya Germs, kahit malapit nang sumikat ang araw ng Linggo ito natatapos, never itong nag-zero sa rating.

Marami pa rin ang nanonood nito kaya paboritong porgrama na rin ito ng mga artistang gustong mag-promote ng kanilang pelikula at mga show.

Kini-claim naman ni Shalala (na stand-upper sa mga showbiz news ng Walang Tulugan) na malaki ang naiambag niya sa programang ito, kaya nagri-rate.

Aminado si Shalala na dahil sa Walang Tulugan, lalong duma­dami ang raket niya at minsan ay natatalbugan pa niya si Kuya Germs.

Nakiusap na rin si Shalala kung pwedeng i-promote ko na rin ang radio program nila ni Kuya Germs sa DZBB na napapakinggan tuwing 1:00 PM pagkatapos ng Balitanghali ng QTV 11, mula Lunes hanggang Biyernes.

Kuhang-kuha na ni Shalala ang charm ni Kuya Germs kaya ang dami na niyang nararaket pero ipinapangako niyang nakatuntong pa rin siya sa lupa at hindi raw siya magiging halimaw na lalamon kay Kuya Germs.

May tanong lang ang hitad na Shalala… bakit si Hero pa ang ipinasok ni Kuya Germs sa Dyese­bel at hindi siya?

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: