Katrina Halili does not renew contract with GMA Artist Center, but stays with the Kapuso network

Katrina Halili does not renew contract with GMA Artist Center, but stays with the Kapuso network

Young sexy actress Katrina Halili has decided not to renew her contract with GMA Artist Center after four years. “Nakapag-decide na po ako na siguro tama na po yung four years,” says Katrina.

Opisyal na nagtapos ang kontrata ni Katrina Halili sa GMA Artist Center (GMAAC) noong February 1, 2008.

Apat na taong naging contract artist ng GMAAC si Katrina pagkatapos niyang maging StarStruck 1 Avenger. Ngayong nag-expire na ang kontrata niya, napagdesisyunan ng young actress na huwag nang mag-renew sa talent arm ng Kapuso network.

Sa taping ng summer special ng All Star K! The P1 Million Videoke Challenge kahapon, April 9, sa Coral View Resort sa Morong, Bataan, ay tinanong namin si Katrina kung bakit hindi na siya nag-renew ng kontrata sa Artist Center.

“Gusto ko lang pong i-try,” maikli niyang tugon.

Sa ngayon, sa mismong GMA Network na siya nakakontrata at ang tumatayong manager niya ay ang GMA executive na si Rommel Gacho.

“Mas palagay po ang loob ko,” paliwanag ni Katrina. “Kasi si Tatay Rommel po talaga ang namin. Tatay siya ng mga StarStruck [graduates]. Siya yung mas nakakakilala sa amin. So feeling ko, mas okay ako dun. Ganun.”

Kumusta naman ang naging takbo ng career niya for four years sa pamamahala ng GMAAC?

“Happy naman, maganda naman yung tinakbo ng career ko dun,” sabi ng young actress.

May naging problema ba siya sa Artist Center kaya siya umalis?

“Wala naman. Gusto ko lang ma-try na magpa-handle kay Tatay Rommel,” sagot ni Katrina.

Dagdag ni Katrina, nagpaalam daw siya nang maayos sa head ng GMAAC na si Ms. Ida Henares kasama ang kanyang ama at isang abogado.

“Actually, may kasama po akong attorney, e. Bale sila na lang po yung nag-usap,” lahad niya.

Sumama ba ang loob ni Ms. Henares sa desisyon ni Katrina na iwanan ang Artist Center?

“Actually, nung time na nag-meet kami, inaayos yung… Tina-try pong ayusin, ganun. E, nakapag-decide na po ako na siguro tama na po yung four years,” aniya.

Nilinaw ni Katrina na sarili niya itong desisyon at walang sinuman na nag-impluwensiya or namilit sa kanya to make that decision.

From playing contravida roles, na ang pinakahuli ay sa Marimar, Katrina will play her first lead role in the TV adaptation of Magdusa Ka. Katrina will reprise the role first portrayed by Dina Bonnevie in the movie.

ROMMEL GONZALES
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: