John Lapus Blog: ‘15′

As promised, here are the 15 head shots from my latest pictorial with Sara Black. Si Chechel Joson ang nag-make-up, si Warren Santos ng Hairwatch Salon ang hairstylist, and si John Paul Dizon naman ang nag-style.

But before the chika behind each face, I would like to thank my Star Magic family for allowing PEP to use my Star Magic 2008 Catalog picture. Iyan po ang nakakabit na pic sa header ko ngayon. Sina Sara at Chechel din ang may gawa n’yan. Sa sobrang ganda ng kinalabasan, I promised myself to get their duo again in the future. Ergo, the 15 faces for the Sweetilicious pictorial. After this entry, isa sa 15 faces ko na ang nakalagay na pic ko sa header, depending on my mood or present state of mind while doing each entry.

The 15 faces pictorial was inspired by the 15 emotions and situations I experienced during my 15 years in show business. It was my idea for the Sweetilicious teasers that are now posted in major sing-a-long bars in the Metro. Nakuha ko ang idea sa isang t-shirt na nakita kong may mukha ni Smiley pero iba’t-iba ang expressions niya. Sa computer din pala may ganoon, na ang tawag ay Emoticons. Cute! Tuwang-tuwa sina Sara at Chechel sa mga pics na ito kasi I was able to change my look daw kahit walang change ng make-up at iniiba lang ang buhok.

So let the 15 pics be my very own blog Korek ka John emoticons. Wow! Try niyo din i-grab tapos gawin niyong bagong Smiley. Hahaha. Tawagin nating Sweeticons. Hahaha.

HAPPY
Masaya, no worries, free and, at that moment, contented
.

happy.jpg

I was very happy during the premiere night of Kailangan Ko’y Ikaw starring Robin Padilla and Regine Velasquez. People were actually clapping for every scene na kasama ako. After the movie, Sweet na din ang tawag nila sa akin, which was also my name in the movie.

Dapat mawawala na ang Arriba Arriba noon when Jolina left ABS-CBN, pero na extend ng mga three months dahil pinasok si Heart Evangelista. Ang siste, pinasok na ako sa Bituin that time—starring Nora Aunor, Cherrie Gil, and Carol Banawa—thinking na mawawala na nga ang Arriba. E, may The Buzz pa ako noon every Sunday. So for that three months na extended ang Arriba, I was having three regular shows and seen on TV everyday. As in. Monday to Friday sa Bituin, Saturday sa Arriba, at Sunday sa The Buzz. Three different shows pero different din ang mga ginagawa ko—drama, comedy, and talk show. Ang saya! Artistically and financially rewarding. Happy!

SAD
Lungkot, emote to death, ang sakit.

sad.jpg

Bago ako kinuha ng GMA, I do not have a regular show. Tengga! Walang jowa, dami utang at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Humabol pa ang pagkamatay ng Tatay ko. I am normally poised under pressure, but that time, I was terribly sad in the inside. In fairness, nagdadasal naman ako. While praying, I was crying. Then He heard my crying.

I was very sad when my former housemate Joel Siervo was murdered in his own room almost two years ago. He was the executive producer of Pinoy Dream Academy. He didn’t deserv that kind of death. May God rest his soul.

BOKOT
Afraid. Katakot. Inay ko po.

bokot.jpg

After Joel’s death, hindi ako masyadong lumalabas ng bahay. Lagi akong nagpapatulog ng kaibigan sa room ko. Hindi ako kumakausap ng lalaking stranger.

Remember my past entry Pamantayan sa Buhay? ‘Pag di ka magandang bakla at may naglibre sa ‘yo ng drinks sa isang bar, kabahan ka na. Alam ko naman na hindi ako kagandahan kaya ‘pag may naglibre sa akin ng drinks, matatakot ako.

I have an autophobia. Fear of being alone daw ‘yon. May isang production manager sa Star Cinema na nakatrabaho ko noon. She was found dead sa bahay niya after suffering from a heart attack while in her sleep. Nakakatakot. After three days na yata nakita ang bangkay niya kasi mag-isa lang sa bahay. Afraid.

DEDMA
No reaction. Wala lang. Paki ko. Ok.

dedma.jpg

Hindi ko alam kung bakit inookray ako ng isang tabloid reporter. Wala akong atraso sa kanya at hindi kami close. I consulted my lawyer kasi nga imbento na ang mga sinusulat. Pero sabi ni Attorney, “Konti lang circulation ng tabloid. Hindi naman ‘yan si Ricky Lo na credible journalist. Wala naman naniniwala kasi hindi kilala. Dedma!” May point si attorney.

OKRAY
Lait. Nagsasabi ng totoo pero yung negative lang. Nakakakita din ng positive pero hindi sasabihin.

okray1.jpg

Ang husay kong mang-okray maski noong bata pa ako. Yung mga kalaro ko at classmates napapaiyak ko ng bunganga ko lang ang gamit ko. Ang pangit ng hair mo, ang pangit ng damit mo, ang pangit mo! Tuwang-tuwa ang mga nakakarinig pero takot sila kasi baka sila ang isunod ko.

Maski noong college ako, sa sobrang galing kong mang-okray, nakakatakot akong kaaway. May professor kami na sinabihan ako ng, “Mr. Lapus, sinasapian ka yata ng demonyo.”

Pinagkakitaan ko ang prowess ko sa pang-o-okray sa Cristy Per Minute. Bongga yung segment kong “Prangka Ka John!” Inaabangan talaga. Alam ko naman na magaling na host si Lyn Ching pero ang katabaan lang niya noon ang sinabi ko. Maganda si Isabel Granada pero ang lashes lang niya ang napansin ko noon. Si Jessa, sinabihan kong kamukha ni Tweety Bird pero Phenomenal Diva siya.

Hanggang sa mga live shows ko sa mga sing-a-long bars at mga corporate shows, nagamit ko ‘yan. ‘Pag ako ang nakasalang noon, huwag kang uupo sa harap kung pikon ka.

BORNOT
Boring. Walang gawa.

bernot.jpg

Noong tengga ako, tanging panonood ng sine at TV lang ang ginagawa ko. May time nga na na-watch ko na ang lahat ng palabas sa sine at wala naman magandang palabas sa TV. Buong gabi lang ako nakatulala. Sa sobrang bornot ko, kumain ako ng kumain at natutong uminom. Ayun, tumaba ako ng sobra.

CHIKA
Joke only. Ikaw naman hindi na mabiro.

chikka1.jpg

Hanggang ngayon nang-o-okray pa din ako sa mga live shows ko. This time, I assure you, chika lang ang lahat.

May nakita akong Pinay na maganda sa audience na may kasamang hapon na matanda at mukhang mayaman. Say ko sa kababayan natin, “Ate, may edad na ang kasama mong Hapon. Pera lang habol mo d’yan ‘no?! Chika!” Tawanan ang audience, pati si ate natawa. Bakit kaya? Chika! Hahaha.

PRANING
Parang may mangyayari, parang may sumusunod, parang may nakikita…parang…tamang hinala.

praning.jpg

Yung dalawang ex-boyfriend ko ‘pag tini-text ako ng “Muzta,” ang feeling ko kailangan ng pera. One time nag-text yung isa, nag-text back ako ng, “Buti, wala akong pera.” Nag-text back siya ng, “Ako meron, gusto mo, pautangin kita?” Pahiya ako, sh*t. Ini-invite lang pala ako sa binyag ng anak.

‘Pag nasa isang bar ako or restaurant, naka-pwesto ako facing the majority of the crowd. Yung ibang artista, tumatalikod kasi ayaw sigurong mapansin ng public. Ako, humaharap not because gusto ko mapansin but praning ako na baka may biglang lumapit sa akin na kriminal or may biglang mang-away mula sa likod ko nang hindi ko namamalayan.

KRUNG-KRUNG
Parang nababaliw, di alam ang gagawin. Bilog daw kasi ang buwan. Topak!

krung-krung.jpg

‘Pag nababaliw ako, bigla akong sumisigaw ng gibberish like, “Kerkesta valafongfong!”, “Buskayna Kushketi!”, “Kushketiku Vilvar!” Sa kakaganyan ko maski noong bata pa ako, pinagalitan ako ni Nanay noon. Say ni Madir, “Baka pangtawag na pala sa demonyo ‘yang sinisigaw mo, hindi mo pa alam!”

‘Pag may topak ako, nagpapa-rape ako sa mga unan ko. Hahaha. Try mo. Hahaha.

‘Pag bilog ang buwan, affected talaga ako. Ganoon daw ang mga Cancerian. Bigla na lang ako malulungkot ‘tapos tatawa. Baliw!

IMBYERNA
Inis. Pikon. Galit.

imbyerna.jpg

Imbyerna ako sa sinungaling. As in!

Inis ako sa magnanakaw. Kahit 15 pesos lang ang kinuha, para sa akin pagnanakaw na ‘yon. Hindi niya pinaghirapan ‘tapos siya ang kukuha. Hate it.

Pikon ako ‘pag nali-late ako sa sine. Minsan, kahit ako ang may kasalanan, naiinis ako sa sarili ko.

Galit ako sa traffic at ‘pag naliligaw ang driver ko. Ang point ko, dapat magtanong keysa maligaw.

WARLA
Pinaghalong krung-krung at imbyerna. Sa sobrang galit, nabaliw. Away na ito. Patay kung patay. Nagwawala.

wala.jpg

I found myself driving in a village somewhere in Quezon City. I was locating my ex-boyfriend’s whereabouts. The tracker in the cell phone, which I gave him, gave me the exact location. May dala akong kutsilyo. I don’t even remember kung saan ko nakuha. Nasa harap na ako ng bahay. May dumaan na guard. I asked the guard kung sino ang nakatira doon. Nang sabihin niya sa akin kung sino, umiyak lang ako ng umiyak habang sumisigaw. After a week, I found myself entering a psychiatrist room.

MALDITA
Mataray na may sense, prangka pero nasa lugar. Bitchy.

maldita.jpg

Memorize ng mga little sisters kong bakla at ng mga diva ng Hairwatch Salon ang litanya kong ito noon sa S-Files. Ako nga nakalimutan ko na.

“Jobert, sabi mo wala akong kaibigan. Pwes, alam ko nanonood ka ngayon. Tumingin ka sa kanan mo, sa kaliwa mo at sa likod mo. Kaibigan ko silang lahat. Nandito ako ngayon sa studio ng S-Files. Tumitingin ako sa kanan ko, sa kaliwa ko, sa likod ko at sa harap ko. Wala kang kaibigan.”

After that episode, more than 15 na kaibigan ko from ang ABS-CBN ang nag-text sa akin. Halos lahat sa kanila, one word lang ang text sa akin, “MALDITA!”

JELLY
Selos. Inggit. Bakit siya meron pero ako wala?

jelly.jpg

Um-attend ako ng birthday party ng dance instructor sa gym ko last Saturday. Ang boyfriend niyang gay din for 12 years ang nag-host ng party. Nandoon ang family nilang dalawa at mga kaibigan. Nag-surprise song number si boyfriend para sa celebrator. Inamin niyang hindi siya singer pero he will try daw to sing for his boyfriend. Halos tumalon ako sa building sa inggit.

BONGGANG-BONGGA
Mas bongga pa sa bongga. Extreme. Sobra.

bonggang-bongga.jpg

I became a bigger star when I joined the Kapuso network. Mas bonggang-bongga!

GMA is supporting my 15th Anniversary show at The Music Museum on May 31. For sure, bonggang-bongga ang mga guests ko at production numbers. Nag-confirm na ng sponsorship ang Toblerone at si Doctor Manny and Pie Calayan. Bongga!

SWEETILICIOUS
‘Yung sa sobrang tamis, sumarap. Nagustuhan niyo ang timpla and you just can’t help but to have some more.

sweetilicious.jpg

Hindi ako nagpaka-sweetilicious dahil gusto ko or gusto ng ibang tao. Pero ‘yon kasi ang tama. I am now trying my best to see the good in people and the positive things around me. Ang sarap pala ng feeling. Stress-free at nakaka-fresh. Sobra. Minsan yung iba, dahil hindi pa sanay, parang nauumay sa sobrang tamis. But most of you, I feel, na-appreciate ninyo ang efforts ko. Evident sa ratings ng Showbiz Central at number of hits sa blog kong ito. My God, yung iba sa inyo nag-e-email at tumatawag pa sa GMA just to give me more shows. Pssst, mukhang dininig ang dasal at panawagan niyo. Update you soon. Hehehe. Gusto ko, gusto niyo, e, di masaya. Sweetilicious!

Sa dami ng experience ko during my 15 years in show business, madami pa akong naramdaman. 15 lang muna ang nilagay ko dahil 15 years nga. Pero kung lalahatin ko, baka makabog ko ang Emoticons ni Smiley dito sa computer. Praning ako na huwag makaramdam ng sad kasi baka ma-bornot na naman ako. Imbyerna ‘yon! ‘Pag ganoon, may tendency akong ma-krung-krung. Lately, dedma lang ako sa mga okray at iniisip ko na chika lang ang lahat or jelly sila sa akin. Yung iba, talagang walang bokot. Pero huwag din ako subukan at baka magmaldita na naman ako, or worst, mawarla. ‘Pag nangyari ‘yon, hindi sila magiging happy nang bonggang-bongga. So gayahin na lang sana ako at magpaka-sweetilicious.


JOHN LAPUS BLOG
Philippine Entertainment Portal

1 Comment »

  1. 1
    regina gomez Says:

    hello mama ang choray mo talga!!! wala kang katulad! pero hah,,, angs arap mo talga nih. para kang adobo sa pangin ko habang tumatagal lalung sumasarap!!! vavush… god bless


RSS Feed for this entry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: