Cristine Reyes on ABS-CBN transfer: “Mas ginagamit ko lang ang utak ko.”

“Sa akin, kung anuman ang sabihin nilang negative, thank you dahil pinagtutuunan nila ako ng pansin. Kung sinasabi nilang Cristine Reyes lang ako, sana hindi nila ako pinag-aaksayahan ng panahon,” says Cristine Reyes.

Ilang araw pagkalabas ng official statement ng GMA Network tungkol sa pagre-release nila kay Cristine Reyes as GMA Artist Center talent, pumirma naman ng one-year year contract ang kontrobersiyal na young actress sa ABS-CBN kahapon, April 9, Executive Lounge ng ABS-CBN Broadcasting, Inc.

Kasama ang kanyang kapatid na si Ara Mina, na siya ring tumatayong manager niya, tinuldukan na ni Cristine Reyes ang relasyon sa dating mother network at pinili ang pagiging isang Kapamilya.

Pero bago pa man nangyari ang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, binato na ng kabi-kabilang isyu si Cristine. Isa na rito ang statement ng GMA-7 na nagsasaad na kaya raw nila binitawan bilang talent ang young actress dahil sa “attitude and behavior” niya.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine kahapon din pagkatapos ng contract signing niya, sinabi niya na inaasahan na niya ang paglabas ng ganitong mga uri ng negatibong intriga na tiyak na ibabato sa kanya.

“Actually, before pa, pinagbilinan na ako sa mga mangyayari na kapag lumipat ako, for sure, may mga bagay na hindi magaganda na masasabi about me. I’m prepared, that’s why composed ako. Alam ko na may lalabas na mga negative about me at pinaghandaan ko na talaga ang mga ‘yan.”

THE REASONS. Attitude problem. Hindi pagpapaalam sa guestings niya sa ABS-CBN partikular na sa Wowowee. Nagmamadaling maging bida. Mas mataas na talent fee… Ilan lamang ito sa mga sinasabing rason kung bakit nagdesisyon daw si Cristine na payagan nang umalis sa kuwadra ng Kapuso network.

Paliwanag ni Cristine, “Actually, hindi ko na kailangan ng approval ng GMA kung lumabas man ako sa ABS dahil tapos na yung kontrata ko sa kanila, effective last February 1 pa. Before pa mag-expire ang contract ko sa kanila, nagpapaalam na ako sa GMA.

“Regarding diyan sa nagmamadali raw akong maging bida, hindi ko matatawag na nagmamadali akong bida dahil kung yun lang ang gusto ko, sa meeting ko with them, may offer sila sa akin na maging bida ako. Bago pa mag-expire ang contract ko sa kanila, December pa lang, hindi ko na tinanggap ang Joaquin Bordado at ibang shows na inu-offer nila. Sabi ko, ayoko na, lilipat na ako, at may ibang projects ako na gustong gawin.

“Regarding sa TF,” patuloy niya, “lahat naman ng artista dumadaan sa ganitong posisiyon at lahat nao-offer-an ng ganito. Business ito. What do you expect, mas mababang rate? Siguro, mas ginagamit ko lang ang utak ko.

“Sa akin, kung anuman ang sabihin nilang negative, thank you dahil pinagtutuunan nila ako ng pansin. Kung sinasabi nilang Cristine Reyes lang ako, sana hindi nila ako pinag-aaksayahan ng panahon,” makahulugan niyang pahayag.

Ano ang totoong dahilan kung bakit siya lumipat sa ABS-CBN?

Ani Cristine, “Kasi siguro, lahat ng tao kailangan ng changes sa buhay nila, na kailangan nating may gawin. Siguro ito na yung change na sinasabi ko, na turning point ko sa life ko, na malaking-malaking decision na ginawa ko.

“I think hindi naman nila ako masisisi sa decision kong ito dahil pinag-isipan kong ito nang maigi. Maraming beses ko itong pinag-isipan. Hindi lang ako yung tipo na, ‘Sige, lilipat ako.’ Hindi lang nila alam ang pinagdaanan ko at kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko, at kung gaano kahirap ang paglipat ko.”

LETTERS FROM GMA-7. Ayon pa kay Cristine, hindi lang sa kanya nagpadala ng sulat ang GMA-7 para pigilan siyang lumipat kundi maging sa ABS-CBN din.

“Totoo yun. Marami akong natanggap na letters coming from GMA, di lang ako pati ABS. Yung sa akin, ayaw nila ako payagang lumabas sa ABS dahil gusto nila ako mag-stay pa sa kanila. Yung sa ABS naman, letter yun para sabihan ang ABS na hindi ako puwedeng kunin dahil hindi nila ako bibitawan. Ipinakita ko naman sa ABS na tapos na talaga ang kontrata ko sa kanila [GMA-7] and legality speaking, wala silang habol,” paliwanag ng young actress.

Hindii maiwasang tanungin ang tungkol sa sinasabing espesyal na relasyon nila ni Willie Revillame. Pero puro “no comment” lang ang sagot sa amin ni Cristine.

Dalawang pelikula sa Star Cinema, ang remake ng Eva Fonda, 16 na isasalin sa teleserye, at ang ginagawang teleserye ngayon ni Jericho Rosales sa Malaysia ang ilan sa mga projects na nakalinyang gawin ni Cristine sa ABS-CBN.

Sa isyu na idadagdag siya bilang co-host ng Wowowee, nilinaw ni Cristine na wala sa kontrata niya ang naturang noontime show sa mga palabas na gagawin niya sa Kapamilya network.

MELBA LLANERA
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: