Ruffa Gutierrez gets it straight from Yilmaz Bektas: “Ruffa, you know, there’s nothing to go back to.”

“Sa akin naman, ang gusto ko lang mangyari sa amin ni Yilmaz ay makapag-move on kami in a very peaceful way. Maging magkaibigan kami and I think what is very important is the future of our kids,” says Ruffa Gutierrez about her relationship now with Yilmaz Bektas.

Pagkatapos lumabas sa website na Kelebek Hurriet ang mga larawan ni Yilmaz Bektas kasama si Miss Universe 2006 na si Zuleyka Rivera, iba-iba ang naging ispekulasyon ng mga tao sa biglaang pagdating ni Yilmaz sa Pilipinas, four days ago.

Kaya naman muling isinalang ang asawa ni Yilmaz at isa sa hosts ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez sa hot seat upang sagutin ang mga tanong ng kanyang co-hosts sa show. Pero bago ang tanungan, pinag-react muna siya sa balitang may aso umano si Zuleyka na pinangalanan nitong “Ruppa.”

“Bakit naman ‘Ruppa’? Hindi ginawang ‘Rufingfing,’ ‘Ruffita,’ ‘Rufette…’ Ruffa? Parang baduy, ‘di ba? I’ll give her a better name next time,” sakay na sagot naman ni Ruffa sa The Buzz nung kahapon.

“Actually, sabi ng mga friends ko, ‘Okey lang yun, Ruffa. Bumili ka na lang either monkey or daga, or you know, horse,’” na papangalan naman daw niya ng Zuleyka. Kasunod noon, ang pagbati at pagsabi niya ng “don’t be hurt” dahil nanonood daw that time si Yilmaz ng The Buzz.

JUST A BUSINESS PARTNER. “Hindi na ako nagulat, kasi matagal nang binabanggit ni Yilmaz ang pangalan na ‘yan. More than a year ago. He’s already been mentioning her name. So, sinabi na rin niya sa akin, ‘Zuleyka,’ ganyan-ganyan… ‘Tapos ako naman, hindi ako naniniwala. Yeah, yeah, sure, whatever. Ganun.

“So, itong ipinadala ng friend ko from Istanbul yung copy at saka translation, hindi na ako nagulat. Kasi si Yilmaz naman is young, he’s very attractive. Kahit sino pwede niyang maging girlfriend and at the same time…yun, okey lang. Alam ko naman Yilmaz is young and can find someone else.”

Hindi ba siya nakaramdam ng selos?

“Actually, hindi ako nakaramdaman ng selos o sakit man lang, because I was already expecting that. He can be with anybody he wants the same way [na] kahit sino naman pwede ko ring makasama, ganun din. Naihanda ko na ang sarili ko.

“Well, he told me last night…uhm, nag-usap kami, nagkita na kami ni Yilnaz and he told me that Zuleyka is just his business partner. Pero may pasundut-sundot siya na, ‘Now I’m happy. And Ruffa, please tell Nelson Canlas of PEP [Philippine Entertainment Portal]…’ na remove yung picture na magkayakap tayo. Kasi last year pa ang picture na yun. Dapat ang ilagay niya yung picture na magkahiwalay tayo,” sabi raw ni Yilmaz sa kanya.

“So, nakikita ko yung, between the lines. And sa akin naman, ang gusto ko lang mangyari sa amin ni Yilmaz ay makapag-move on kami in a very peaceful way. Maging magkaibigan kami and I think what is very important is the future of our kids.

NOTHING TO GO BACK TO. “And nung unang nagkita kami when he first arrived, medyo emotional ang pagkikita namin. Medyo hindi maganda at natakot na naman ako. And after that, huminahon na si Yilmaz after praying and nagkita ulit kami at nag-usap kami ng masinsinan. Nagyakapan kami ng mahigpit, nag-iyakan. Ako umiyak, naging teary-eyed din siya. So, emotional. Kasi any marriage that breaks, nakakalungkot. Syempre may mga anak kami…”

At this point, hindi na napigilan ni Ruffa ang maiyak. Pero pilit pa rin nitong pinipigilang bumuhos nang husto ang luha.

“Hindi ako umiiyak dahil nami-miss ko siya, gusto kong makipagbalikan sa kanya, or nasasaktan ako. It’s just that sinabi rin ni Yilmaz, ‘Ruffa, you know, there’s nothing to go back to.’ Wala na. Tinuldukan na namin pareho.

“Nakakalungkot lang kasi may dalawa kaming anak. Pati yung kasama namin kagabi naiyak din. Nakikita ko yung pagmamahal nina Lorin at Venice ‘pag nakikita siya. Like I said, even if we moved on and Yilmaz said, maybe this will be the last time he’ll be coming to the Philippines. Maybe its gonna be the last time na nagkita kami.

“Siyempre kahit anong closure sa isang relasyon masakit, malungkot. At siyempre naging mag-asawa kami at may mga anak kami. So, kahit nakapag-move on na siya at nakapag-move on na ako, it’s not that easy.”

Napag-usapan na rin daw nila ni Yilmaz ang tungkol sa pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal ni Ruffa.

“Well, Yilmaz told me when we met for lunch, sabi niya he already filed for divorce in Istanbul or he filed a case against me na hindi ko pa nakaklaro kung ano yun. But basically, it is to dissolve the marriage. Siguro kailangan lang ng authentication from the court there para ipadala dito.”

DADDY EDDIE AND YILMAZ. Kadudu-duda talaga para sa ilan ang biglang pagdating ulit ni Yilmaz sa Pilipinas at paglabas ng mga larawan nila ni Zuleyka.

“Uhm…hindi ko alam. Maybe that’s one thing that you should ask Yilmaz. Pero like I told you, you know naman anytime he wants to visit his kids he’s more than welcome and gusto niya talaga makita ang mga anak niya. Nami-miss niya talaga ang kanyang mga anak.

“Wala naman siyang in-explain sa akin about Zuleyka and I don’t see any reason for him to explain anything. Ang magandang nangyari sa pag-uwi niya ay nakapag-usap na silang dalawa ni Daddy over the phone.

“Naging emotional [ang pag-uusap nila nina Yilmaz at Eddie Gutierrez], syempre bilang tatay, maraming sinabi si Daddy tungkol sa akin. Ang last na narinig ko was that, ‘You know, Yilmaz, one day who knows maybe all of us can visit you in Istanbul. We’ll be with the kids, we’ll bring the kids.’ So, hindi ko na tinanong si Daddy kung ano ang pinag-usapan nila dahil masyadong emosyonal.”

FOR THE KIDS. Maligaya na rin ba si Ruffa?

“I’m very content with my life. Maraming blessings ang dumarating sa akin. Ang importante ang kaligayahan ng mga anak ko. Yung future nila and I told Yilmaz that.”

Napag-usapan din daw nila ni Yilmaz ang tungkol sa sustento sa mga anak nila.

“Sinabi ni Daddy sa kanya, ‘You know, Yilmaz, bali-baligtarin man ang mundo, Lorin and Venice is your blood. Can you please help with the education?’ Kasi one year and a half na siyang hindi nagbigay. And he said, ‘Yes, I will.’”

PEACE WITH YILMAZ. Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Ruffa kay Yilmaz.

“Well, Yilmaz, whatever we talked about last night, I hope that feeling of peace towards each other will remain. I know sometimes it’s emotional, we talked about the past…but like you said this morning, ‘I’m gonna go back to Istanbul tonight or tomorrow night, leaving in peace…’

“We have already hugged each other, we have spoken about things and now, the best thing that we can do is protect our kids and talk about their future.”

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: