Robin, magre-renew ng kontrata sa Siyete

Narinig namin sa isang kaibigan na magre-renew ng kontrata sa GMA-7 si Robin Padilla at pagkatapos ng Joaquin Bordado, dalawang projects pa ang kanyang gagawin.

Naalala namin ang sagot ng actor nang tanungin kung posible siyang lumipat ng network ’pag natapos na ang show niya sa Channel 7?

Ang sagot nito’y kung walang dahilan para lumipat at kung 200 percent ang ibinibigay na suporta sa kanya, bakit pa siya aalis?

But of course, makukumpirma natin kung mananatiling Kapuso ang actor ’pag siya’y nakausap either sa taping ng Joaquin Bordado o sa presscon ng pelikulang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy ng Viva Films, kung saan bida sila ni Ai-Ai de las Alas.

Matanong nga rin kay Robin kung totoong may build-up contract sa Channel 7 ang anak niyang si Kylie Padilla, at kung totoong idea niya na patawirin sa Marikina river ang anak para sa isang eksena sa Joaquin Bordado, na napanood last week.

Ginawa ’yun ng bagets nang walang double, kaya bumilib sa kanya ang lahat ng nasa taping that time.

NITZ MIRALLES
Journal Online

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: