Dingdong Dantes reveals he is a Philippine Marine reserve

Dingdong Dantes reveals he is a Philippine Marine reserve

“Two years na akong reserved force ng Philippine Marines, part ako ng technical service battalion composed of doctors and lawyers among others. Civilian support kami, but militarized,” says Dingdong Dantes.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes bago siya umalis for Coron, Palawan, para sa taping ng Dyesebel. Less than one week lang daw siya roon.

Hindi alam ni Dingdong kung may eksena siyang maghuhubad, dahil wala pang sinasabi si Direk Joyce Bernal. If ever i-require siyang maghubad, walang problema sa young actor. “Maghuhubad ako,” ang sabi nito.

Hindi naniniwala si Dingdong na overexposed ang love team nila ni Marian dahil sa Marimar pa lang sila nagkapareha at paminsan-minsan, nagkakasama sa SOP. Hindi pa nga raw sila nakakagawa ng pelikula dahil inihahanda pa lang ng GMA Films ang Amnesia kung saan kasama pa nila si Iza Calzado. Kaya kampante ang young actor na magki-click uli sa televiewers ang Dyesebel.

“Iba ang Dyesebel, light ang treatment nito kesa Marimar. Alam ko ring as a pair, marami pa kaming puwedeng ibigay [ni Marian] sa audience. Saka ang alam ko, sa susunod naming projects, hindi muna kami ang magkatambal. Kaya lang, hindi natin masabi kung ano ang gusto ng tao, depende sa panahon. Ang GMA-7 din ang magdedesisyon, they should know better,” pahayag ni Dingdong.

MARINE RESERVE. Samantala, napanood si Dingdong sa 24 Oras a week ago na kasama ang Philippine Marines sa isang medical mission sa Jolo, Sulu. Ayon sa young actor, isa raw yun sa socio-civic activities na sinamahan niya at ka-tie-up ang Kapuso Foundation at kasama sa mga ginagawa niya bilang reserved force ng Philippine Marines.

“Lahat tayo may advocacy at yun ang advocacy ko. Two years na akong reserved force ng Philippine Marines, part ako ng technical service battalion composed of doctors and lawyers among others. Civilian support kami, but militarized. Nag-training ako for that, kahit community service ang aming ginagawa, we have to be trained. Medical mission yun, nagdala kami ng doctors, dentist at medicines,” kuwento ni Dingdong.

“Handa ako roon,” ang sagot ni Dingdong sa tanong kung sasabak siya sa giyera kung kinakailangan. But for now, mostly medical mission ang kanyang ginagawa.

Hot spot ang Jolo, Sulu na kanilang pinuntahan. Hindi ba siya natakot?

“No, part of my commitment is to serve regardless of what will happen. Alam kong sa Jolo kami pupunta at hindi ako nag-second thought. Nakita ko ang reaction ng tao nang dumating ang medical mission at masayang-masaya sila. Kasama namin si Von Vibar at ‘Sergio’ naman ang tawag sa akin ng mga tao roon.”

Master Sergeant ang ranggo ni Dingdong sa Philippine Marines at kundi siya napasok sa showbiz, baka nasa Armed Forces na talaga siya. Ang maging sundalo ang isa sa mga gusto niyang pasukin, kahit noong bata pa siya.

Bukod sa pangarap niyang maging sundalo, ano at sino pa ang nag-encourage sa kanyang maging man in uniform?

“I grew up in a family of military. Brigadier General sa Philippine Constabulary ang grandfather kong si Sixto Dantes, Sr. Nang mabigyan ng opportunity, sinubukan kong maging reserved officer at kaya ko pala,” lahad niya.

Unannounced ang pagsama ni Dingdong sa medical mission sa Jolo, Sulu, kaya nagulat siya nang making may camera silang kasama. Nang mag-board sila sa C-130, wala siyang nakitang camera at feeling niya nagtago, kaya laking gulat niya nang pagdating nila’y may sumulpot na camera at kinukunan siya at mga kasama niyang sundalo.

Naintindihan na namin kung bakit military wedding ang dream wedding ni Dingdong. Nang una niya itong sabihin, hindi siya nag-elaborate. Basta feel lang daw niyang naka-military uniform siya at dadaan sila ng kanyang magiging bride sa ilalim ng saber ng mga sundalo na nakataas.

NITZ MIRALLES
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: