Cristine Reyes, happy at GMA-7 official statement about her

Cristine Reyes, happy at GMA-7 official statement about her

As for Cristine Reyes’s transfer to ABS-CBN, “Sa ngayon, under negotiation pa po, e. Pero sana. I’m happy kung kukunin ako ng Kapamilya.”

Nagsalita na si Cristine Reyes tungkol sa inilabas na desisyon ng GMA-7. Matagal na kasing gustong magpa-release ni Cristine sa Siyete para makalipat na nang tuluyan sa kalaban nitong ABS-CBN 2. Nung Biyernes ay inilathala sa mga pahayagan ang ipinadalang official statement ng Kapuso Network.

Ayon sa official statement, nagdesisyon na ang GMA-7 na alisin na si Cristine mula sa kanilang pangangalaga dahil sa attitude and behavior nito.

“She is welcome to leave. The network has a lot more serious artists to assign important projects and develop into fine, professional actors. That being said, GMA network has now closed its doors on Cristine,” sabi pa ng official statement.

Reaksyon naman si Cristine, nag-expire na raw ang kontrata niya sa GMA-7 noon pang January 31, 2008.

“Masaya ako and finally… hindi ni-release, kasi tapos na yung kontrata ko, e,” paglilinaw muna ni Cristine. “Nung nalaman ko yung news, actually natuwa ako. Baligtad. Natuwa ako kasi ang tagal ko na inaantay na payagan na nila ako na lumipat. Ang tagal-tagal na naming nagmi-meeting. Ayaw po talaga nilang pumayag,” lahad ni Cristine sa TheBuzz kahapon, April 6.

Bago pa man daw mag-expire ang kontrata niya ay tatlong beses na siyang nagpadala ng sulat sa kabilang istasyon.

“Madaming beses ako gumawa ng sulat. Actually, before pa mag-expire yung contract ko. Nagle-letter na po ako sa kanila. Parang ayoko na i-renew. Ayoko nang maging Kapuso,” diin pa ni Cristine.

Unang nagpadala ng sulat si Cristine sa GMA-7 nung January 2008. Wala na siyang balak na mag-renew ng kontrata sa Kapuso network.

Nagpadala ulit siya for the second time ng sulat sa GMA-7 nung February 6, 2008, bilang sagot sa liham ng GMA tungkol sa pagge-guest niya sa mga programa ng ABS-CBN. And on the third time, nagbigay siya ng final letter sa GMA-7 at sinabi niya ang intensyon niyang makalipat sa ABS-CBN.

Sa kabila nito, hindi naman daw kinakalimutan ni Cristine kung ano ang ginawa sa kanya ng GMA-7.

“Utang na loob ko sa kanila na ginawa nila yung Cristine Reyes. ‘Di ba sa kanila ako may utang na loob? At hindi ko yun kinakalimutan. Gusto kong lumipat and naging starightforward naman ako sa mga plano ko and hindi ako nagtago.”

Dahil opisyal nang pinakawalan si Cristine ng GMA-7, nangangahulugan ba ito na certified Kapamilya na siya?

“Sa ngayon, under negotiation pa po, e. Pero sana. I’m happy kung kukunin ako ng Kapamilya.”

JULIE BONIFACIO
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: