Ryan Agoncillo’s contract with ABS-CBN still under negotiation

Ryan Agoncillo's contract with ABS-CBN still under negotiation

TV host Ryan Agoncillo is “ironing out the finer details” of his contract with ABS-CBN and his hosting stint in Pinoy Dream Academy.

Nakikipag-usap na raw ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo sa ABS-CBN management para sa possible hosting jobs na gagawin niya sa taong ito. Under negotiation daw ang bagong kontrata niya sa Kapamilya network.

Bibigyang priority niya ngayon ang hosting, unlike last year na mas pinaboran ni Ryan ang acting matapos niyang tanggapin ang seryeng Ysabella opposite girlfriend Judy Ann Santos.

Ito ang naging pahayag ni Ryan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makusap namin siya kanina, April 6.

Isa sa sinasabing bagong programang inihahanda ng ABS-CBN para kay Ryan ay ang Pinoy Dream Academy na magsisimula sa Mayo. Ayon sa TV host, nakipag-meeting na siya sa ABS-CBN tungkol dito.

“We are ironing out the finer details of the matter,” sabi ni Ryan, who added na he’s willing to do the show, lalo na’t kasama rin sa nasabing programa sina Maestro Ryan Cayabyab at ang award-winning director na si Jose Javier Reyes.

Sinabi ni Ryan na gusto niyang mag-concentrate sa hosting career niya this year, although open pa rin naman siya sa paggawa ng pelikula. Marami raw inaayos na hosting jobs para sa kanya ang ABS-CBN, pero lahat ay under negotiation pa rin.

Ryan used to host Philippine Idol nang magsimula ito two years ago sa ABC-5. Pero this year ay nasa GMA-7 na ang programa under the title Pinoy Idol with Raymond Gutierrez as the new host.

“We all enjoyed ourselves sa Philippine Idol. Hindi ko napanood ang initial telecast ng Pinoy Idol kaya hindi ko alam how different it is from Philippine Idol, pero I wish GMA-7 good luck para sa Pinoy Idol,” pahayag ni Ryan.

Wala pa raw plano si Ryan sa kanyang birthday on April 16. Baka raw sa bahay lang siya mag-celebrate with his family. Pero kung bibigyan daw siya ng surprise party ni Juday, that would be very nice.

Pero hindi pa naman daw niya alam kung ano ang plano ni Juday for his birthday.

RICKY CALDERON
Philippine Entertainment Portal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: