Hero Angeles out of touch with former screen partner Sandara Park

Hero Angeles out of touch with former screen partner Sandara Park

“Bawat tao naman may desisyon, e. Sa akin lang, may desisyon ako, may desisyon siya, may desisyon ang lahat ng artista. So ayun, tuloy-tuloy lang ang buhay,” says Hero Angeles about former screen partner Sandara Park.

Kasama ang young actor na si Hero Angeles sa bagong primetime series ng GMA-7 na Dyesebel, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Gaganap siya rito bilang isang mangingisda at nakatatandang kapatid ni Aljur Abrenica.

Supporting lang si Hero nina Dingdong at Marian sa nasabing serye. Ano ang nararamdaman ni Hero na kung dati ay nagbibida siya noong nasa ABS-CBN pa siya, ngayon ay supporting role na lang ang napupunta sa kanya sa GMA-7?

“Nagbibida na ba ako noon?” tanong-sagot ni Hero sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, April 5, sa Master Showman, kung saan isa siya sa co-hosts ni German “Kuya Germs” Moreno.

“Kung sa soap, wala pa, support pa rin ako dati,” paglilinaw niya. “Sa movie pa lang naman ako nagbida. Saka okay lang naman kahit support lang ako, basta may project. Saka ano lang naman, e, wala naman kasi yun. Kasi turo nga sa amin dati, sabi sa amin, kahit supporting role at kahit pinakamaliit na role, kung kaya mo namang gampanan nang maayos, yun ang importante roon.

“Sabi nga sa amin sa workshop, minsan bigyan ka ng lead role, ‘pag nadala ka ng kaba at nerbiyos mo, baka mas magaling pa yung partners mo, ganyan. Kaya ano na lang, sundin ko na lang yung payo sa amin,” pahayag ng kauna-unahang winner ng Star Circle Quest.

CERTIFIED KAPUSO. Kahit magkakaroon na ng show sa GMA-7 si Hero ay hindi pa rin siya masasabing certified Kapuso dahil hindi pa siya pumipirma ng kontrata rito.

“Wala pa akong pinirmahang kontrata sa kanila. Pero ang alam ko, magsa-sign ako,” sabi niya.

Sa tingin niya ba, kapag pumirma siya ng kontrata sa GMA-7 ay maaalagaan na ang kanyang career?

“Oo naman!” mabilis niyang tugon. “Sa tingin ko naman, mabibigyan nila ako ng pansin. Yun nga, nabigyan ako ng project. Hindi naman siguro ako lilipat sa kanila kung hindi nila ako maaalagaan.”

Bagama’t hindi pa siya pumipirma ay kasama na si Hero sa image plug ng GMA Artist Center, kung saan kasama niya ang ibang contract artists ng talent arm ng Kapuso network. Ironically, ang nakasama ni Hero sa kanyang shoot with GMAAC ay ang Final Four ng StarStruck na sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Rainier Castillo.

SANDARA PARK. Ang dating ka-love team ni Hero na si Sandara Park ay bumalik na sa Korea nang mapansin nitong wala nang nangyayari sa kanyang career dito sa Pilipinas. Umalis si Sandara ng bansa na hindi pa rin sila nakapag-usap at nagkaayos ni Hero.

“Wala na talaga kaming communication,” sabi ni Hero.

Hindi ba naisip ni Hero na sana ay nagkausap muna sila ni Sandara bago ito bumalik ng Korea?

“Hindi ko na yun inisip. Actually, hindi ko na inalam kung bakit siya aalis, kung saan siya pupunta. Bawat tao naman may desisyon, e. Sa akin lang, may desisyon ako, may desisyon siya, may desisyon ang lahat ng artista. So ayun, tuloy-tuloy lang ang buhay,” pahayag ng young actor.

Wala na ba siyang sama ng loob kay Sandara?

“Yung mga problemang ‘yan, ayoko nang isipin, ayoko nang i-recall. Ayoko nang sariwain yung mga hinanakit. Kung ano yung dati, siguro kalimutan na lang muna. Ayoko na lang munang mag-react. Kasi ito nga, nandito na ako sa GMA, bagong buhay, bagong atake sa career,” ani Hero.

Gaya ni Hero ay nabuhay rin ang showbiz career ni Sandara sa kanyang sariling bansa na South Korea.

ROMMEL PLACENTE
Philippine Entertainment Portal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: