Angela Bofill nangangailangan pa rin ng tulong

Isang reader ang nagbalita sa amin na nanga­ngailangan pa rin ng tulong ang American singe­r na si Angela Bofill dahil lalong lumala ang kanyang kalagayan.

Isinulat na namin noon ang tungkol sa pagkakaroon ni Angela ng sakit at ang financial help na kailangan niya.

Si Angela ang nagpasikat sa mga kanta na Break It To Me Gent­ly, You Should Know By Now at marami pang iba.

Naging malapit si Angela sa puso ng mga Pilipino nang magkaroon siya ng concert sa ating bansa at lumabas sa isang pelikula ni Sharon Cuneta.

Ginanap noong naka­raang taon sa US ang isang benefit show para kay Angela na dalawang beses nang na-stroke.

Sa huling written message niya na naka-post sa kanyang website, nagpasa­lamat si Angela sa tulong at suporta ng fans. Pinasalamatan din niya ang mga tagahanga mula sa Pilipinas na nagpadala sa kanya ng mga letter of encouragement at support.

JOJO GABINETE
Abante Online

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: