Directors, writers ng GMA 7, pina-pirate ng ABS-CBN?

Malapit nang mag-expire ang kontrata ni Richard Gutierrez sa GMA-7 kaya siguro lumulutang ang balita na lilipat na umano ang Kamandag star sa Kapamilya Network. But for sure, hindi pakakawalan ng Kapuso Network ang isa sa kanilang most valued star at hindi naman siguro mag-aala-Angel Locsin si Richard dahil ang GMA ang nag-build-up sa kanya at malaki ang utang na loob niya sa kanyang home studio na nagbigay sa kanya ng mga major projects.

At gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na patuloy umano ang pamimirata ng ABS-CBN sa mga talents ng GMA? Hindi lamang umano big stars ang pinagkakainteresan ng Star Network kundi maging ang kanilang mga resident writers and directors. Isang top executive tuloy ng Kapuso Network ang nagsalita ng ganito, “Is that how they (ABS-CBN) define professionalism? Ang mag-pirate ng talents ng GMA? Wala ba silang (ABS-CBN) tiwala sa sarili nilang homegrown stars, writers and directors at kailangan pa nilang mag-pirate ng mga talents galing sa GMA?”

Matagal na rin naming nababalitaan na may alok umano ang Kapamilya Network kay Richard pero ngayon lamang tumitindi ang balita.

Sa pagkakaalam namin, kasalukuyang hinihimay ng GMA ang nilalaman at detalye ng bagong kontrata ni Richard. Hangga’t hindi pumipirma ang nakababatang kapatid ni Ruffa Gutierrez ng panibagong kontrata sa GMA ay mananatiling nakalutang ang ispekulasyon na malapit na itong maging Kapamilya.

Di ba’t inalok din ng Kapamilya Network si Regine Velasquez at pirma na lamang ng kasintahan ni Ogie Alcasid ang kulang pero at the last minute, nagbago ng desisyon ng singer-actress at nanatili ito sa kanyang home studio.


ASTER AMOYO
Pilipino Star Ngayon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: